July 14, 2009

Pssssssst Hoy, May Bago!

Nakakapanot daw ang magpuyat.

Hindi nga? Holy fuck, wala akong pakialam. Kahit buong buhay akong matulog, hindi na kakapal ang buhok ko. Mukha ko na lang ang kumakapal, at walang magandang dulot ito sa personalidad ko bilang isang anak ng Diyos.

Maganda nga itong puyat ako at naguumapaw ang isip ko sa mga bagay na dapat kong ipinagdadadakdak dito. Isa pa eh ngayon lang talaga nababakante ang mga PC dito sa bahay. Naka-HP Mini ako ngayon. OHA OHA! FUCK YOU ALL! BWAHAHAHAHAHA! Kasi nasira ko nanaman yung laptop ni ate. Kaya eto, sinisira ko naman ito ngayong kay ate panganay ngayon.

"Ano ba? Ayawan na ba? Bakit hindi ka naga-update?" Sabi saken ng blog ko.
Pero dahil inanimate ang blog at wala siyang kapasidad para makapag-express ng thoughts, aaminin ko na lang na ako lang din ang nagsabi niyan. Sa sarili ko. Ng walang suot na brip.

Ano, may nagbago ba? Ganun pa din ako. Wala pa din akong brip.

At para saan naman ang impormasyon na yon? Wala. Kung gusto mo lang magbilang ng blogger na hindi nagbibrip tuwing nagsusulat, pwes plus one na ako don.

Kamusta na ba si Mariano Juancho? Ano na ang pinagkakaabalahan niya sa buhay? San na siya nagtatrabaho ngayon? Nagtatae pa din ba siya tuwing umaga habang nasa biyahe papasok ng opisina?

Wag na akong maraming tanong. Masyado nang lumang pakana na sisingitan mo ng tanong ang sulatin mo para magkaron ng paguusapan. Pero sige na nga, nagtatanong lang naman eh.

1. Okay lang ako. Namayat daw ako sabi ng ilan. Ganun talaga ang buhay ng tao. Mabuti pa nga ang mga pulubi sa tulay ng Quiapo, kapag naabutan ko silang tumatae sa bangketa, ang lalaki ng tae nila. Para silang naka-buffet gabi-gabi. Naiinggit ako sa tae nila hindi dahil malaki ito pero dahil alam kong marami silang nakakain araw-araw. Di tulad ko. Agahan ko taho. Tanghalian ko, taho na nilusaw ng bituka ko. Hapunan ko eh medyo disente naman, wag kang mangamba.

Pero bakit ba ako naiinggit sa ga-brasong tae ng mga pulubi? Wala silang bahay. Nakatira sa bangketa at natutulog sa karton. Malay ko ba kung isang linggo nilang hindi itinae yung tae nila para lang hindi sila magutom. Pilit nila itong iniuurong sa pamamagitan ng pwersa ng pwet pabalik sa tiyan nila para lusawin ulit at hithitin ang nutrients para sila mabuhay. Gumagamit sila ng kahoy para maitulak pabalik ang tae sa tiyan nila.

"Tay, nagugutom na po ako. Hindi ko na kayang pigilan ang tae ko."
"Anak! Kaya mo yan! Wala pang laman ang basurahan! Heto ang magic wood naten, ipasak mo yan sa pwet mo at isuksok mo hanggang kung saan aabot! Makakatulong yan sa gutom!"

Malungkot diba. Di tulad nila, maginhawa pa din ang buhay ko kahit hindi ako nakakakain ng kumpleto sa isang araw. Pero syempre drama ko lang yun. Sinungaling ako eh. Hindi lang talaga ako kumakain ng normal sa araw-araw kasi nahihiya naman ako sa mga pamangkin ko. Yung baon nila ng isang linggo, nilalantakan ko na, tapos pati ba naman agahan at tanghalian sasaluhan ko pa? Di na siguro masama kung iinom na lang ako ng tubig sa tanghali.

Pero joke lang yun. Nagpapaawa lang ako. Kumakain naman ako, pero hindi lang marami kasi gusto kong magka-abs ako. Alam mo yun diba, abs, yung bukol sa tiyan.

Mali, cyst yung naiisip mo. Abs, yung gawa sa matigas na laman ng katawan na nakakapagpalaway sa mga chicks kapag nakita nila ito.

Tite? Abs nga eh.

Oo, gusto ko nun. Ng tite? Ahaaaaaaaaay.

Putangina, kung tite ni Johnny Depp yan, sino bang aayaw dyan?

Kahit yung karpintero abs lang pwede na. Beggars can't be choosy ika nga ni Ayzprincess. Kaya para maatim ko ang piraso ng matigas na laman na yun sa aking tiyan, kailangan ko munang magpapayat. Thus, di ako kumakain.

2. Ang haba no? Kamusta lang ang tinanong, nagbanggit na ng tae ng pulubi. Ano ang pinagkakaabalahan ko? Wala naman. Plurk lang saka tunganga.

3. O, sobrang ikli naman ng sagot ngayon. Gago talaga neto. Tsk. Oo nga pala, may plurk account ako na huwantso ang username. Kapag gusto mong sumali sa plurk, punta ka sa page ko at dun ka mag-sign up para magka-star naman ako. May trabaho na ba ako? Utin ng unggoy. Si Mariano magtatrabaho? HAH!

Oo naman syempre. Lahat tayo, dun ang punta ng buhay. Sa totoo niyan, ang bait ng boss ko ngayon. Maganda ang benepisyo. Ayos naman ang sahod, sakto lang sa gimik ko. Magaan ang trabaho, wala masyadong tasks di tulad ng sa nakaraang trabaho ko. At maasikaso pa ang boss! Pinaglalaba ka ng pantalon kapag may lakad ka. Pinaglalatag ka ng higaan kapag ayaw mong magpuyat. Binibigyan ka ng baon kapag may gimik ka. Pinagluluto ka ng hapunan para hindi ka gutumin.

O diba! Ang bait ng boss Aling Maring ko! Tutunganga ka lang at magpapaka-katuga eh buhay ka na! Salamat Aling Maring, you're the best boss in the world!

Pero seryoso, gusto ko nang magkaroon ng totoong trabaho, hindi yung make-believe.

Yung kapag napagalitan ka ng boss mo eh hindi mo mapapahupa ang galit niya sa pamamagitan ng pagpupog mo ng halik na malaway sa kanyang pisngi ko kapag pinagloload mo siya ng 25 pesos sa tindahan tapos ikaw ang magreregister ng 20 para sa unlitxt o aabutan mo ng isang basong tubig kapag pinagpapawisan. Yung totoong boss na ngangaratin ka hanggang sa malusaw ang buo mong pagkatao at isuka mo lahat ng kaalaman na natutunan mo since preschool. Pero wag mong isusuka yun sa harap niya, baka lalo siyang magalit at malaman niyang alam mo ang Open The Basket game o di kaya eh mas magandang pamato si Mighty Thor kesa sa pamato niyang si Hulk sa tatsing.

4. May dalawang linggo na yata akong nagtatae. Hindi ko alam ang rason at hindi ko alam ang paraan para tumigil siya. Stress siguro. WTF? Stress? Saan ako kukuha ng stress diba? Haha. Ewan ko sa inyo kung san kayo kumukuha ng stress pero ako, nagtatae ako nang hindi ko alam ang dahilan. Dalawang linggo na. Dinadaan ko na lang sa panalangin na sana wag bumulwak kapag bagong palit ako ng boxers dahil pihadong pagagalitan nanaman ako ng boss ko.

Akshuli ang punto naman ng sulatin ko eh ang pagpapasalamat. Salamat sa pagtangkilik sa blog na ito at marami pa ding bagong mga napapadpad kahit wala na siyang activity for the past 5 months or so. May mga napapadpad at nagkokomento. May mga bumabalik-balik para sa update. Pwes eto na yon. Matuwa kayo mga lintek! Puyat na puyat na ako nagsulat pa ako para sa iyo! Tse! Manlibre naman kayo dyan!

Joke. Nagjakol ako... nagsulat ako para sa sarili ko kaya sana na-enjoy niyo din kahit papaano.

Sa mga bagong nagsisimula pa lang dyan na may balak na umagaw ng trono ng pagkaloser mula saken, pwes, PUTANGINA NIYO! WAHAHAHAHA! Wag na kayong magbalak.

Unless kaya niyong panindigan ang matanggihan sa job application ng mahigit sampung beses eh kahit na, ako pa din ang nag-iisang loser dito, bichez!!!

Sinasabi ko sayo, kung nagbabalak kang maging loser, hindi kita hahayaan dahil pota naman pare! Magsumikap ka okay? Hindi habambuhay na mabibigyan ka ng nanay mo ng pamasahe kapag gusto mong gumimik! Hindi sa lahat ng oras hindi ka magbabayad ng bills sa bahay dahil wala kang trabaho. Hindi sa lahat ng oras mabaho ang pantalon mo dahil hindi na 'to nalabhan ng mahigit kalahating taon.

Sa mga nagbabalak na maging loser at tularan ako, this I tell you. Para kayong bumangga sa pader ng tinapay na may amag tapos may ketsap kayo sa mukha.

Pointless. Dahil hindi ito ang buhay na gusto niyo, kei? Yung araw-araw kayong gigising para lang isipin na mali ka sa ginawa mo na sana ganito, sana ganyan, sana kinantot ko si Maria Ozawa nung may pagkakataon ako at sana eh ipinutok na lang ako ng tatay ko sa labas para walang problema. At sana naging anak sa labas na lang ako dahil don.

Wag ganun! Hindi ganun ang buhay! Lumaban ka at magsikap!

Think positive! Wag kang aayaw! May liwanag ang buhay! Ilabas ang kulit! Di lang pampamilya, pang-sports pa! Panalo sa presyo, panalo pag BEAM! Lamowk seygooreydong teypowk!

Yun lang. Again, salamat sa lahat ng napadpad. Isang down-to-earth at sincere na pasasalamat sa lahat ng online/real-life friends ko, ka-plurk, make-up artists, at sa iyo na naligaw dito, salamat.

At sa isa pang sayo. Umasa ka, babawiin kita - M

Putangina. As usual, kadiri to death ang haba. Fuck this shit.

Makakaasa nanaman ako ng "nice post" dito na komento.

Elongate...

May 29, 2009

???

Alam mo, may sasabihin ako sa iyo. May sira ang Blogspot. Bigla akong nagkaroon ng entry.
At oo nga pala.
Hindi ako inaantok sa mga oras na ito.

Well akshuli, nakatulog na ako ng bahagya kanina. Pinalipat lang ako ni Aling Maring ng higaan kaya ako naalimpungatan at nagising.

Ayun. Kaya sinubukan kong magpaantok sa pamamagitan ng panonood ng Dirty Latina Maids sa Spankwire.

Hindi pa din ako inantok. Palagay ko kulang ang isang putok para dalawin ka ng antok.

Wow! Rhyme yun ah!

Antok = Putok
by M
O antok na mapusok, bakit ayaw mong kumatok
Sa katawan ko'y pasukin mo, iyan ang aking alok
Ginawa ko na ang lahat, upang ikaw saki'y matapilok
Hindi ko akalain, higit pa sa isang putok
Ang kailangan ko, upang ako'y dalawin ng antok


Ahm, teka. Paano ba ito? Teka ha. Hindi ko kasi alam kung ano pa bang dapat kong ikwento, so palagay ko kailangan ko munang itigil ang kalokohang ito at babalik na lang ako para magkwento ng mga bagay na dati ko nang ikinukwento sa'yo. Tulad ng tutuli.

Ang tutuli, parang problema lang yan.
Mabaho.

Okay, sobrang pinilit ko na lang yan. Pagpasensyahan mo na, hindi ko din alam ang rason kung bakit ako nandito ngayon, sa ganitong oras, at nagpipipindot ng mga letrang wala namang nabubuong matinong pahayag.

Hindi na yata ako marunong magkwento.

Tulad na lang nung isang araw na nakasakay ako sa jeep. Masaya pa akong umupo malapit sa estribo para presko. Ang hindi ko alam eh mayroong nagaabang na panganib sa akin doon.

Tawagin natin itong BAKTOL.

Hindi ko pa alam at hindi ko pa napapansin nung una pero nung sumimoy na yung hangin papaloob sa jeep, naramdaman ko na ang pait at pighati ng isang tao na masayang sumakay ng jeep pero bababang duguan ang wasak ang pangarap.

Bakit? Dahil lang sa baktol? Oo.
Eksaherado? Oo.

Lalo na kapag may katabi ka pang bakla na ginawang White Flower yung kili-kili mo para magsilbing pananggalang sa amoy ng katabi niya. Ginawa ka na nga niyang shield sa baho ng ibang tao, nagmukha pang jowa niya. Perfect.

Oo nga pala, ang mga barker ng DV ang pinakamagalang sa lahat, sa pagkakaalam ko.

Sorry ah! Sorry ah! Sorry ah!

Elongate...

February 25, 2009

Review Number Four

Mariano Juancho is not here anymore. He is there anymore.

This review is brought to you by my many many many dreams and plans in life.

Rating:
1-Lowest
10-Highest

Sleep[10]- I am garnering about an average of the best adult sleep time in the world even though I look like I haven't had a decent sleep in ages. It may be fun to not wake up into any rush hour in the morning, but hell it's hard to sleep at night.

Morning Preparation[5]- Let's just say that there's nothing to prepare because there isn't anything to prepare to.

Work[?]- I can't actually give a decent score here. Am I supposed to be grateful because I don't have one. But of course, it's a necessity that is why I can't quite pertain to what score that's supposed to be. Intiendes? No? Tonto.

Blogging[1] - No doubt about it. My drive as of the moment to relay information and deliver life lessons in detail and in full color has ceased to exist. I have no more adventures and less life observations. I have killed my drive to narrate stories of everyday foul-ups.

Life[5] - Hey, look and watch as I fail in life. But everything around me is great. Only I fail at it.

Friends[10] - My friends, all around my life, in Plurk and everywhere else, they're the best. 'Nuff said.

Neighbor[2] - That neighbor's dog is utterly annoying, and does not possess any kind of indifference from his master. Remember, in times like these, Ajinomoto does not only bring the joys of umami to our food, but it also brings doom to our four-legged canine friend.

And so the blog of life rants ends here. Nothing new, just your old pal, Mariano in his daily quest to conquer and fuck life's endless misery.

Elongate...

February 14, 2009

Para Sa Matatanda


Ang post na ito ay inihahatid sa inyo ni Mang Lucio.Dahil kung hindi dahil sa kanya, di na ata ulit ako makakahawak ng laptop para makapaginternet.

Hindi ko maisip ang sarili kong tumatanda kasama ang kung sino mang swerte (o ubod ng malas) na babae na makikilala ko sa balat ng lupa ng mundong ibabaw at pati na din sa ilalim.

Siguro kaya hindi ko maimagine eh naapektuhan na ang utak ko ng paniniwalang Benjamin Button.

Pero sa palagay ko, bilang isang nagmamahal na tao, karapatan ko din naman ang magmura.

PUTANGINA ANG SARAP NG SOPAS NI ALING MARING!!!

Aling Maring: "Dahil valentines ngayon, ibinuhos ko na lahat ng puso ko sa sopas na yan..."
Ako: "Eeeew"

Ganun ata talaga ang epekto ng pagmamahal sa tao. Ebriting pasitib.

Maganda at makinis ang kutis.
Blooming.
Masayahin.
Laging pagod at puyat.
Sakang.
Buntis.

Yan ang pagmamahal.

Marami pa din ang nagkakamali sa ganitong bagay. Minsan nga may mga taong mas aaminin pa nilang sila ang umutot sa harap ng limpak-limpak na sinungaling kaysa sa ang aminin nilang sila ang nagmamay-ari ng bunga ng pagmamahal nila. At iilan lamang dito ang pinandigan ang pagmamahal nila.

Red. Ang sarap magpakawala ngayon ng patabaing toro na iniangkat mula sa espanya. Sabog lahat ng bulaklak. Butas lahat ng lobo. Basag lahat ng bungo ng matatandang tuluyan pa ding nagpapaswit at dumadakila sa diwa ng Kabalentaymsan.

Pag-ibig. Sintamis ng kalabasang may kaukulang paggalang at walang bahid na malisya.

Pagmamahalan. Sintibay ng bato, sintigas ng semento. Yan ang mga magulang ko. Mahigit na sa N bilang na ng taon sila ikinasal.

Tapos minsan gusto ko na lang pumikit kapag nakikita kong nakahawak ang tatay ko sa dede ng nanay ko.

Pipikit para magpantasya? Salamat sa suhestyon.

Pagsisintahan.

Aling Maring: "Nako, baka maiwanan ko pa itong organ (electronic piano) ko dito. Ito na lang ang natitirang libangan ko sa tanghali (nung wala pang Wowowee).
Mang Lucio: "Wag mo talagang iwan yang organ, at ang iwan mo eh ang iyong "organ".

Sweet kung tutuusin para sa mga may edad na tao na kakitaan pa ng pagbibiruan na ganito na parang mga binata't dalaga pa lamang sila sa ilalim ng puno ng mangga.

Minsan din ayaw kong makapanood sa Rated K ni Korina Sanchez ng mga legendary love stories, tried and tested and can totally withstand the test of time and test of mic.

Dahil hindi ko alam kung ako lang yun o talagang kakaiba ang eksena ng dalawang mga ultra lolo at ultra lola na nagsisiping.

Jurassic Love Affair. Scrumptious.

Elongate...

February 9, 2009

Peb

Putanginang yan, Pebrero na nga pala ngayon ano? Pinakahihintay ng mga panatiko ng Santo Balentino.

Buti na lang pala hindi naging babae si Valentine kasi baka lamunin tayo ng mga ahas niya.

Valentina, ang ma-ahas na pag-ibig.

Pero ayos din siguro no? May kinalaman pa din ang babaeng naka snake-dreads sa tema ng maraming tao ngayong balentayms.

Ahasan.

= = = = =

O, anong tinitingin-tingin mo diyan? Wala akong date sa balentayms!!! Leche yan.

Ika nga ng sikat na sikat na si Doc Mnel eh:

"Aanhin mo naman si Mariano kung wala siyang pera"

mula sa hirit kong:

"Aanhin mo ang gwapo, kung hindi naman ako."

O diba? Mahal na mahal talaga ko netong mga kaibigan kong to eh, feeling ko ako na ang pinakamahalagang tao sa damdamin ng bawat isang babae sa mundo (annoyed).

= = = = =

Tulad ng pagdating ng basurero sa village namen, ganun din ang pagdating ng pagmamahal sa buhay ko. Mabaho. Makalat. Tumatagas ang katas ng nabubulok na gulay, lata ng Century Tuna, at balat ng itlog.

Tama na nga, yari nanaman ako sa kadramahan kong ito, hindi naman ito ang pink blog.

= = = = =

Anyway, mukhang ang mas malungkot pa sa pagkakataon na ito eh hindi na ako makakapagbabad sa internet.

1. Nasunog na ang monitor ng computer ko, may ilang siglo na ang nakakaraan.
2. Nagalit na si ate sa akin, napuno na ang salop, sumabog na ang bulkan, nabiyak na ang kepyas (hindi sa ate ko ha), napisa na ang nana, at naputol na ang pisi. Ano ang ibig kong sabihin? Wala naman, itinago na ni ate ang saksakan ng kanyang laptop. Sa totoo lang, salamat at nakargahan ko ng mga 91 percent yung baterya niya bago ko kinalas at nagkaroon pa ako ng moment na makapagkwento ng ganito.
3. Kanina eh nasa 50 percent na ang beteri ng laptop kaya naman paspasan na ang pagtatayp ko na parang magliliyab na ang mga daliri ko sa sobrang bilis.
4. Ang problema lang eh masyadong mabagal ang utak ko para makasunod sa mga dapat kong ikwento, tulad na nga nitong pagtatago ni ate ng saksakan.
5. Ito na ata ang pinakamalungkot kong pebrero dahil nailayo pa sa akin ang tunay kong mahal sa buwan na ito, ang Internet.
6. Hindi ko alam kung kailan ko ulit magagamit ang laptop ni ate pero kasi kasalanan ko naman talaga. Kumbaga eh pinanindigan na lang niya ang karapatan niya bilang tunay na nagmamay-ari ng laptop na yon.
7. Na parang isang hari sa makalumang pelikula na nirere-claim lang ang trono niya mula sa kontra bida niyang kapatid.
8. Kaya naman heto ako, malapit na sa kamatayan ng laptop at pilit nagkukwento na parang rapper sa bilis.
9. Pero tulad ng ibang rapper, mabilis lang pero wala naman talagang saysay. Basta makapagdaldal lang. Eh ano pa nga ba, susulitin ko na ito kesa naman sa umabot ba sa hindi ko kayo mabati.
10. Ng Happy Valentines!

= = = = =

Syempre umabot pa naman kahit papaano. Pero hanggang dito na lang. Masyado kasi akong dismayado na hindi na ata ako makakainternet sa loob ng mahabang panahon dahil sa nangyare. Iteks niyo na lang ako kung gusto ninyong kwentuhan ko kayo ng tungkol kay Aling Maring, kay Andie, at sa mga tao dito sa bahay.

Wag na lang tungkol kay Jerome sa trabaho dahil automatic na wala akong load kapag ganun ang usapan.

= = = = =

Balik telebisyon nanaman ang pampalubog ko ng araw ngayon. Ubod ng bagal nanaman ng araw na ito kumpara sa nakababad ka lang sa Plurk maghapon at nakikipagdaldalan sa mga kakilala mo sa internet.

Sabi nga ni Saminella, baka daw maging paborito ko ng di oras ang pukinginang Daisy Siete yan kapag nagkataon.

Mukhang kailangan ko na ata ulit kilalanin ang mga karakter ng La Tracion, kabisaduhin ang 3 O'clock Habit, at pag-aralan ang matulog on command.

Salamat, mahal ko kayong lahat.

Happy Valentines!

= = = =

Oo nga pala, bisitahin niyo nga pala ang mga ito ha? Tatanawin kong utang na loob at pagmamahal kung mapupuntahan niyo ang mga ito. Baka nga ipagdasal pa kita na sana eh magkaron ka ng mainit na gabi sa Valetines Day! Yihee! Pump that shit up and let the fluids collide!

Dear Sosyalera
Tumblr
At lahat ng nasa blogroll ko.

Ahihi! Salamat! Mwuah!

Elongate...

February 3, 2009

Speed

Dear blog,

Ano ang isa sa magagandang eksena sa loob ng jeepney?

Sige, ganito ha.

Isipin mo, umuwi ka ng madaling-araw. Medyo iritable ka na dahil may halos kwarenta minutos ka nang nag-aabang ng jeepney at may pagkaaga-aga pang trapik patrol na nambubuwaya sa mga jeep kaya napalayo ang sakayan.

Pagkatapos mong mabulok sa kakahintay, nagpasya kang sumakay na ng byaheng malayo sa dapat mo talagang bababaan.

Pagsakay mo't umakma ka ng mainam na upo sa jeep para mangulangot nang masigasig eh biglang may tatalsik sayong malamig na likido galing sa katabi mong babae sabay halinghing ng "Ayyy!"

Aakalain mong sipon ang tumalsik dahil kita mo sa gilid ng mata mo na parang may pinupunas siya. Bahagya mo at medyo pasimpleng ipupunas sa pantalon mo ang tumalsik na likido sa iyong braso.

Ah, buti na lang at suka lang pala ng lumpia yung tumalsik sayo. Ang husay kase netong babaeng to eh, humaharurot sa singkwenta kilometro kada oras ang jeepney eh kakain ng lumpiang binabaran ng suka sa plastik.

Pero okay lang, the cycle of bad morning goes on kasi yung katabi ko naman eh nangangain na ng tuyot at patay na buhok galing sa ulo ko.

So ano ngayon ang point ng kwento ko?

Wala, salamat na lang sa oras mo blog.

Nagmamahal,

Juancho

Elongate...

January 30, 2009

Spread The Flawless Love

Oh hello to you fellow mortal friends, how are you doing?!

Nandito nanaman po ang inyong regular na loser blogger upang handugan kayo ng mga bagay na hindi nyo magagamit sa pang-araw araw na buhay!

Tulad na lang ng litratong ito na ibinahagi ni Meryl.

Ang naturang litrato ay natagpuan sa Media Master.




O diba bongga? Ano ang ginagawa ng Superstar na si Marian sa litratong ito?

A. Nagbabalat ng sibuyas gamit ang kanyang paa.
B. Nagpapakaligaya gamit ang Dingdong ni Ding Dong.
C. Nagkakabit ng apron.

Alamin ang sagot! I-click ang link na ITO.

= = = = =

Balik nanaman sa nocturnal na buhay ang systema ko matapos kong matulog ng higit sa apat na oras nung bandang tanghali ng hapon.

Napansin kong marami nanaman sa mga alagad ng kadiring kutis ang naglipana sa malaporselana kong iskin, tulad na lamang nitong pigsa sa aking kaliwang braso.


Medyo nagkulay yellow na yung sentro niya. Pinisil ko at napalabas ko naman yung "mata", or bituka, o cellular membrane, depende sa paniniwala mo nung bata ka pa.

At meron din sa iba pang parte ng katawan ko tulad ng sa likod na nalaman ko lang nung nakamot ko't sumirit ang dugo. Pasensya ka na kung di ko magawan ng cartographic sketch yung nasa likod, ang hirap kasing kopyahin dahil nakakangalay silipin.

So far tuyo na ang nasa braso ko. Di tulad nung isang beses na sa sobrang impeksyon niya eh nag-pink na ang palibot niya na parang ang cute lang kung hindi siya pigsa. Parang rosy cheeks, ganun.

So dahil parang nanlibak ako sa katauhan ni Marian, baka magkaroon ako ng kaunting life-threatening threats dito. Pero feeling ko lang yon, dahil kapag pinatulan nila ang sira-ulong katulad ko, magkakasiraan na ng ulo lalo dito.

Yun lang muna, over and out! xoxo!

Elongate...

January 20, 2009

Aling Maringer Z

Para sa akin, ang mga nanay ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo. Kaya nilang sakupin ang sangkatauhan sa tindi ng kanilang talino, angas, kakayahan, at ang uber-mega-ultra-electro-magnetic-chenes-everything.

Naikwento sa akin ng kaibigan kong si Tintotz na minsan na daw nagkaroon ng tila ba epidemya sa kanilang sabdibisyon at ang mga nanay lamang ang hindi tinablan ng sakit.

Aba naniniwala ako diyan dahil sapagkat datapwat because ako mismo eh magpapatunay sa pagiging ultimate human being ng mga mothers (not the likes of Ricky Reyes).

Invincible ang mga nanay sa sakit, yan ang paniniwala ko kay Aling Maring. May anting-anting yata tong pinamana pa ng Lola Lilang ko sa kanya eh.

Aba'y mantakin mo yun, aba'y lahat kami'y may sakit na dito sa bahay, ay siya lamang ang walang kaano-anong tinatawanan kameng lahat! Ay oo, tunay na tunay yan kabayan!

Nangyare yata yun nung nag-uwi ako ng itim na pusa sa bahay. Lahat kame tinamaan ng sumpa at nagkasakit. Trangkaso, ubo, sipon, halo-halo na, si Aling Maring lang ang wala at pakape-kape lang sa umaga tapos kame balot na balot ng kumot.

Pati sore eyes, lahat kame dito sa bahay nagsimula sa isang tao at sa isang mata, tapos dalawang mata, tapos lahat na kame may sore eyes, si Aling Maring lang ang namumukod-tanging nakakakurap sa umaga at nakakabangon sa kama ng hindi nakakandado ng muta ang mga mata niya.

Gumaling naman kameng lahat sa kabila ng mga ganitong klase ng sakit dahil siyempre, siya ang nagaasikaso sa amin.

Nasa mga nanay ang kakayahang maging supreme ruler of the entire everything. Mother knows best, the worst, the good, the bad, and the ugly at kung ano pa mang drama meron ka dyan sa kuyukot mo alam nila yan. Life decisions at mga diskarte, alam nila yan. Budgeting and finance, alam nila yan. Chismis at Wowowee, alam ni Aling Maring yan.

Kanina nga nanonood siya ng Wowowee, napanood niya si Saicy. Nagtataka kung bakit daw di matambok ang puke eh. Napayuko na lang ako sa nasabi niya. Ang lagay ba dapat eh matambok yun? Enlighten me please.

= = = = =

Nung kausap ko naman si Saminella eh gusto pa yatang magpunta dito at ipaghanda ko siya gamit ang 300 pesos kong nalalabing salapi. Aba naman ang swerte mo hija kung ganun ang kaso!

Sana pala iniregalo ko na lang tong shades mong naiwan dito sa bahay, o di kaya isinanla ko para may pampapizza naman ako sayo diba?! Ahihi.

Semenelle: "Dapat pinapaglaba mo ng panty ang nanay mo, birthday naman niya eh!"
Ako: "Gumalang ka ah, panty ng nanay ko ang pinaguusapan dito..."

Aba nung nasa taas ako eh nakita kong nagsasampay ng panty si Aling Maring.

Ako: "Sabi po ng kaibigan ko dahil birthday nyo eh ipaglaba ko daw kayo ng panty..."
Aling Maring: "Aba kamo eh hindi ako nagpapanty at katsa lang ng ang ginagamit ko, yung sa sako ng harina kamo. Sabihin mo sa kanya eh kaya dahan-dahan ang pag-akyat niya eh baka mahulog yung katsa."

Hindi ko alam kung para saan ang impormasyon na yun pero eto na nga't naiibahagi ko na sa inyo dito sa Loser's Realm with a Winner Mother.

= = = = =

Sa nakaraang mga taon ng pagiging Wonder Woman ni Aling Maring at sa pagyayabang niya palagi siya lang ang namumukod-tanging nilalang na hindi nagkakasakit sa bahay eh minarapat kong basagin ang kanyang angas at sabihin sa kanya na...

"Eh paano, kapag nagkakasakit kayo, ospital na agad. Sa dalawang beses na nagkasakit kayo, ayun, na-confine kayo agad"

Totoo nga naman na di nagkakasakit ang nanay pero parang hamon naman ng tadhana na matindi ang ibinibigay sa kanilang sakit. Accumulated ba kumbaga. Salamat sa Diyos at sa mga pagkakataong ito, di pa din nawawala ang pagka-imbinsibol ni Aling Maring.

Nung unang beses kasing nagkasakit siya eh nadulas pa siya sa banyo at nauntog sa sahig. Hayblad kasi siya nung mga panahon na yun kaya naman kasabay ng pagkakadulas niya eh ang hilo mula sa altapresyon.

Nung ikalawang beses na nagkasakit siya, ibinibintang pa niya na nakulam siya nung kapit-bahay nameng nakaaway niya dito sa hindi ko malamang dahilan. Naospital naman siya dahil sa matinding kaso ng ulcer, di kasi nagkakakain, palaging kape at palaging busog. Eh lumang sakit na niya yung ulcer. Ayun, ospital nanaman.

= = = = =

Anyway, sa lahat naman ng dapat kong ipagpasalamat sa mundo eh wala nang iba pang mas hihigit pa sa biyaya ng langit na isinasakatawan ni Aling Maring.

Salamat sa iyo Aling Maring, sa pagluluwal ng isang taong tulad ko. Kayo na din naman ang nagsabi eh...

"Salamat at may anak akong kagaya mo. Siguro madalas akong napapanisan ng laway kung walang anak na tulad mong kailangan kong laging pinagsasabihan dahil hindi naman nakikinig!"

O diba ang drama.

Iba pa din kapag nasa paligid kayo. Nakakaramdam ako ng ibang klase ng okayness ng mga bagay. Sa totoo lang napakalaking kayabangan ang sabihin naming kaya nameng magpalakad ng bahay kapag wala kayo samantalang puking-inang yan parang tanga lang ako na walang alam lutuin na hindi instant.

Nung naiwan kameng dalawa ni ate dito at tamaan siya ng stress-related na sakit na pangmayaman kahit di naman tayo mayaman, wala akong alam gawin kundi magkompyuter lang at mag-astang mayaman na akala mo eh may dadating na duktor para kay ate kahit wala naman. Di ko maasistehan si ate nun. Tapos nung dumating kayo nabanggit ko na lang sa sarili ko na "haaaay, salamat at andiyan na din siya." Kahit sampung doktor pa ang dumating, mas mura pa din ang singil nyo kasi libre at may pagmamahal at mother's touch of pink and warmness.

Marami pong salamat sa pagmamahal. Kulang ang buong buhay ko para masuklian ko yun sa inyo kaya kapag nagkapera ako eh saka ko na kayo susuklian, may interes pa.

Para sa'yo, pinakamamahal kong inay, Maligayang Happy Birthday sayo! 26 ka lang sana kung di ko na inedit itong sinulat ko diba!

Happy Siksti-toot Birthday to the one of the most prominent and powerful force in our house! Aling Maring!



Caption # 1: "SINABI NANG MAGDILIG KA NA NG HALAMAN EH!"
Caption # 2 by JimG: "HUDAS KA MARIANO, SAN MO TINAGO ANG CONTRACEPTIVES KO?!"

Elongate...

January 19, 2009

Holy Deliciousness

Linggo ng gabi nun nung maisipan kong magsimba.

*Para sa kaalaman ng lahat, ako po ay Katoliko at may pagmamahal sa kinikilala kong Diyos. Wag kang mabibigla kung nagkasalubong tayo isang beses sa simbahan at nag-aantanda ako.*

Naglalakad kame ni Aling Maring, ni Ate, at ako papasok sa entrada ng simbahan.

Sabi ni Aling Maring: "Wala nang masarap na pari ngayon..."

Ako:"........"

Translation ng "Wala nang masarap na pari ngayon" by Aling Maring: "Ang ibig kong sabihin, wala nang pari na magaling mag-misa ngayon. Lahat sila eh parang nakakaantok na at walang buhay magmisa."

Aaaaah, okay po. Wala na akong iba pang sasabihin. Magulang ko kayo at mahal ko kayo anopaman ang masabi ninyong hindi mauunawaan ng ibang tao.

Elongate...

January 15, 2009

Accusations

Pwede nyo akong akusahan na ni-reyp ko ang katulong, kinain ko ang huling Fudgee barr sa ref na sana babaunin na nila Mico para sa kinabukasan, ang hindi pagdidilig ng halaman, ang hindi pagpapatay ng laptop sa oras na kailangang magtipid ng kuryente, at ang hindi paghahanap ng trabaho...

Pero utang na loob, wag ninyo akong aakusahan ng hindi pagpa-flush ng tae sa inyodoro dahil please lang, kahit hindi ko tae pina-flush ko yun!

Aling Maring: "Isarado mo nga yang pintuan ng CR! Hindi ka nanaman nagbuhos ano?!"

Sosme, kahit yung ga-braso na jebs ng mga apo ninyo nakukuha kong palubugin kahit hindi naman talaga ako tumae at nagsepilyo lang ako ng bibig ko lang ang ginamit ko para huminga tapos nakita kong may floaters sa toilet tapos ginamit ko ng buong lakas ko ang pambomba para lang magkapira-piraso ang jebs na halos 30 hours ang ni-gugol para madigest at miski inconsiderate sila't isinasabay na nila ang pagpapalubog ng sarili nilang jebs sa ibang tao eh inaako ko na at pinapasan ko, parang awa na ninyo Aling Maring wag ninyo akong aakusahan na hindi nagpapalubog ng sarili kong jebs!!!

Elongate...

January 12, 2009

Commercial

Eksena:

Nagtitimpla si Aling Maring ng Milo para kay Andie at hindi pa muna ibinibigay ni Aling Maring ang Milo kay Andie dahil hindi pa ito nahahalo.

Nagreklamo si Andie na ibigay na ang Milo.

Pagkainom ni Andie ng Milo, sabay flip ng hair at sinabing: "From Nestle".

Ang mga kabataan nga naman talaga ngayon.

Elongate...

January 8, 2009

Thanks So Much From The Bottom Of My Heart

Gusto ko lang pasalamatan ang mga minamahal kong mga pemilees sa mundo ng Internets dahil sa kanilang pagmamahal sa akin at naisipan nila akong regaluhan-islas-limusan ng mga mumunting bagay na magpapatibok sa aking bayag.


Puso pala, sa puso.

Hindi ko lubos na maipaliwanag ang ligayang nadama ko nung inabutan nila ako ng tanda ng kanilang mapagbigay na puso.

Para sa inyong mga mahal kong kaibigan, iaalay ko ang post na ito sa mga kabutihang-loob nyo sa isang refugee na tulad ko.

Mula kay Lowla Ami

Isang thermal mug na pwede kong gawing tagayan tuwing may inuman o di kaya eh paglagyan ko ng patis! Shet, it's so thermal it makes me hotttt like that! Salamat lowla at hindi na ako makakahigop ng malamig na kape evar!



Isang bote ng patis para kay Aling Maring (na pinaghirapan daw pigain ni Lowla mula sa kanyang mga pores para lang sa amin! How sweet naman lowla and how salty naman the patis!)



Mula kay Damdam

Dahil sa nawalang naunang regalo ni Damdam para sa akin eh pinalitan na lang niya nito! Isang bonggang-bonggang tisiert na isusuot ko tuwing gabi para madama ko ang kanyang yakap! Yiheeee! Pero sa totoo niyan parang kapatid ko lang din ang yayakap saken dahil magkasing-taray ang ate ko at si Damdam. Aylabsyu Damdam! Ahihi!



Pero look do we have here! Nakita ni Damdam ang nawawalang regalo! At dahil nainspire si Damdam sa remark kong masarap magtanggal ng tutuli gamit ang metal ear cleaner o ang cerumen spoon, minarapat niyang ihandog sa akin ang isang kumpletong grooming kit! Kulang na lang bikini wax eh patok na ang kagandahang-lalake ko nito! May kasamang pantanggal ng tutsang na gusto palaging makiusyoso sa mga nginingitian kong bagay at litaw nang litaw.



Pero parang bakit ganun ang naibigay ni Damdam, pang kabayo lang ang dating. Puro brush ang laman! Dibale bagay pa din yan sa sobrang cute na mane ko dito sa aking bumbunan. Wish ko lang lumakad yang brush na yan sa buhok ko at hindi ma-tangle to the max.

Mula kay Goddess

Aba akalain mo nga namang ang isang piraso ng papel ay magdudulot ng ubod ng ligaya at tigas sa aking mga kalamnan sa panahon ng kapaskuhan!

Hindi ko lamang mailagay ang mensaheng nakapaloob sa card dahil masyado itong personal at makakapaglagay ng ubod ng tinding isyu sa amin ni Goddess. Ayaw kong sabihin na isang indecent proposal ang nakalagay sa loob dahil alam kong marami ang magagalit at magaaklas sa naturang mensahe.

Mula kay Ayzprincess

Isang makabagbag-daming produkto ng teknolohiya! Ang male vibrator!!!

Pero syempre each sold separately yan at batteries not included. Mini Racer na talaga namang mapapapadyak ang paa mo kakapaandar sa kanya. Wag mo lang ipadyak ang paa mo kapag dumadaan na siya sa pagitan ng paa mo dahil baka maging 1000 piece puzzle racer yan.


Mula kay LethalVerses


Sino ba naman ang hindi maantig sa ganitong klase at kainit na regalo sa malamig na pasko? Isang bunsen burner!

Yan ang makabagong bunsen burner equipped with dual illuminating rocket propulsion system na talaga namang magagamit ng kahit na sinong mahilig magsigarilyo. Kahit isang milya pa ang layo ng lighter na ito sa sigarilyo, tiyak masisindihan yun.


Sa totoo niyan, maligaya na ako at masaya na makapiling kayo sa nagdaang taon ng buhay ko. Masaya ako sa samahan natin kahit ganito lamang akong hampas-lupang amoy lupa na hindi naliligo.

Pero syempre mas maganda pa din ang may gift! Ahahaha! Salamat guys! I heartz you all! Mwuah!


*Ang naturang mga litrato ay hindi ang tunay na litrato ng mga regalo bagkus nakuha lamang sa internet sa kadahilanang hindi naregaluhan ng digicam ang may-ari ng blog nito.*


Elongate...

December 31, 2008

The Not So Year-Ender Post

Andaming mga blogger ngayon na nahihilig magsulat ng chever ender post kemerluse na naranasan nila buong taon.

Ako eh hindi naman sa hindi ako sentimental o kung masama ang naging takbo ng taon saken pero wala namang pinagkaiba ang pagiisip ko tungkol sa bagay sa buhay ko kahit tumawid na ang taon.

Numero lang yan, ganun pa din ang takbo ng buhay ko at hindi pa din ako naliligo
Which brings us to my share for this last day of the year.


*Nag-PM ako sa isang kilala, sikat, barumbado, basagulero, maangas, macho, sexy, jologs, at susyal na blogger para batiin siya ng happy new year. Ang mga usapan ay sadyang tinabasan at tinapyas ang ilan sa mga kataga para hindi naman ako mapahiya sa mga tao tungkol sa usapan namin. Pinalitan ko din ang pangalan ng naturang blogger upon rekwes at ang ipapalit na pangalan ay Alex Molina*

Ang kasalukuyang status sa YM ng sikat at pamosong blogger noong maganap ang kamustahan ay ito: "naliligo. at kung aayain mo akong mag word racer... mag isa ka! LOL"

*At dahil hindi nyo alam ang isyu ng word racer, hindi ko na ikukwento*

M: Alex Molina!!!!
Alex Molina: ayoko na mag word racer!
M: :))
Alex Molina: utang na loob
M: tangina sino bang may gusto?
M: :))
M: happy new year!
Alex Molina: ULUL
M: ayaw mong maniwala?
M: :))
M: happy new year at kungrats taena yan di kita yayayain ng word racer!!!!
Alex Molina: HAHAHA
M: putanginang status yan!!!
M: maligo ka na nga
Alex Molina: hindi! binago lang ang plano mo aayain mo ko!
M: huling ligo mo na yan para sa taon na to
Alex Molina: hoi maliligo pa ko mamaya bago umalis
M: hindi kita yayayain sose ka!
M: ah ganun ba
M: mauubos ang swerte mo sige
M: maligo ka tapos magsabon ka ng kwarta
Alex Molina: bawal ba maligo pag bagong taon?
Alex Molina: :))
M: sabi ng mga ninuno natin mula sa Makati eh bawal daw yun
Alex Molina: langya yan
M: mawawala ang swerte sa katawan
Alex Molina: kaya pala di na ko nagkaroon ng pera. ligo ako ng ligo.
M: tsk
M: ayan kasi
Alex Molina: eh ikaw?!
M: ako
M: mayaman ako sa libag
Alex Molina: langya
M: nagiintay na lang ako ng pagkakataon na papalitan nito ang pera
M: kapag dumating yun, wag kang mag-alala di kita kakalimutan
Alex Molina: kahapon 3 oras ka nagpapa alam na maliligo na, 11pm na yata di ka pairn naliligo
M: naligo ako kahapon
M: hindi pa naman bisperas ng new year eh
Alex Molina: maligo ka naman mamaya!
M: may panahon pa para makapag-impok ako ng libag
Alex Molina: seryoso eh no!
Alex Molina: :))
M: OO!
M: maliligo ako mamaya pero hindi ako maghihilod
Alex Molina: tang inang yan
M: sayang ang swerte eh
Alex Molina: sige. dyan ka masaya.
Alex Molina: mag polka dots ka a
M: wala nga akong polka dots eh
M: miski panyo wala
Alex Molina: yung sandong butas butas
M: tamang-tama mapopost ko na tong usapan natin
M: in a way, naging kasangkapan pa din kita
M: :))
M: kahit di tayo naglaro
Alex Molina: walang hya ka
Alex Molina: anong tungkol dito
Alex Molina: sa pagligo? eh di ka nga naliligo!
M: tungkol sa pagligo
M: YUN NA NGA YUN EH!!!
Alex Molina: langya yan. bagong taon ngayon! iblog mo tungkol sa bagong taon ano ba.
M: mamaya pa yun eh!
M: kaya nga iba-blog ko ang tungkol sa bagong paligo kong look
Alex Molina: huwaw!
Alex Molina: kablogblog nga yan! minsan lang yan e
Alex Molina: isa itong blogging moment!
M: oo, ang swerte mo ikaw ang unang nakaalam!
Alex Molina: ;))

= = = = =

Yun lang, happy new year! Maligo kayo, bawal dumami ang supply ng libag, magmumura ang value nito.

Sana swertehin kayong lahat at maging winner for all of your fucking miserable lives you whores!!!!

Wag kayong gagaya saken.

Ang payo lang na maiibigay ko eh magtipid kayo at mag-ipon ng pera. Bawal ang shopping lang nang shopping.

Matutong magpundar ng sustainable na business dahil walang yumayaman sa habambuhay na pageempleyado.

Mahal ko kayong lahat kahit alam kong iisipin nyong kaplastikan lang to, mga hunghang!

Sige, saka na ulit yung iba.

= = = = = =

Maraming-maraming salamat sa Greenpinoy at ang pamilya nito, at kay Bossing Badoodles, sa pagpapaunlak ninyo na mapabilang ako sa mga bigatin at mala-halimaw na anino ng inyong kagitingan.

xoxo sa inyo! Mwuah!


Nakalimutan ko kung asan na yung universal hand-written greeting photo for all occasions na ginagamit ko eh, pakihalungkat na lang dyan sa tabi-tabi.

Elongate...

December 21, 2008

Exchange Gift

Napakaginaw talaga ngayon, hindi nakakatulong sa pasmado kong talampakan. Parang yelo ang marmol na sahig dito sa bahay, kulay dilaw. Oh yeah, fuck that shit.

Pero malamig nga at nakakainis na pasmado pa ang paa ako. Kung pwede lang sana siyang ipitin sa kili-kili gaya ng ginagawa sa nanlalamig na kamay eh di ginawa ko na. Kaso ang layo naman ata ng kili-kili ko sa paa ko.

At hindi ako contortionist para sundin ang analogy na kili-kili is to kamay at paa is to singit.

= = = =

Gusto ko sanang magmedyas at wag na itong hubarin habang ganito kalamig kaso paano malalagyan ni Santa Claus ng pera yun kung suot ko pa diba? Dibale may isang piraso pa ako ng condom dito, that'll do.

Ano ba ang posibilidad na makatanggap ka ng pera kung condom ang isasabit mo at hindi medyas?

Malaki syempre. Si Santa Claus pa, eh DOM yan. Delightful Old Man. and Fat.

Ubod na ng dami ng mga Elves ni Santa sa North Pole, paano sa palagay mo nabuhay lahat ng mga yun? Si Santa ang sagot diyan. Siya ang may bunga sa lahat ng mga yun! Totoo! Anak niya ang sangkaterbang elf na gumagawa sa factory niya.

Dapat nga inirereport sa Bantay Batang North Pole to eh. Labag sa kautusan ng batas yun, child labor! Kaya kung sino man sa inyo ang nakakaalam ng eksaktong address ni Santa Claus ay ipagbigay-alam agad sa kinauukulan to stop this insanity of underpaid child labor. Andun lang siya, painom-inom ng gatas/hot coco at pakain-kain lang ng biskwit samantalang nagpapakamatay magtrabaho ang mga anak niya.

At dahil dito, syempre makakatulong kung condom ang isasabit mo ngayong pasko kesa sa medyas na alam mo namang lulusot ang semen dun. Magagalak si Santa at bibigyan ka niya ng butihing regalo for being oh-so-thoughtful sa pagkontrol population ng kanyang Elf colony, which makes me wonder kung naughty or nice ba si Mrs. Santa Claus.

= = = =

Malamig, oo ang lamig ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro kasi malayo na ang Earth sa araw o kaya naman eh nakatutok lang saken yung industrial fan ngayong oras na ito. Pero malamig nga talaga, kahit tanghaling tapat may ginaw pa din akong nararamdaman. Sinalat ko yung betlog ko, mainit naman. Baka nga kasi pumayat na nga ako at wala nang sapat na taba para protektahan ako sa ginaw.

So kapag giniginaw ka, sexy ka na!

= = = =

Maganda ngayong paskuhan season, pwede kang umutot nang umutot kasi hindi naman nila malalaman kahit hawakan nila ang tenga mo at malaman nilang malamig ito.

= = = =

Mula nung elementary ako eh malas na ako sa exchange gifts. Nitong mga panahon na lang na ito ako nakakabawi-bawi. Kaya naman hindi ko na pinapatos ang mga kris kringle at exchange gift, monito monita chechebureche na yan dahil medyo natrauma na ako.

Pero excuse ko lang talaga ito dahil ang totoo niyan wala naman akong pambili, ahihi.

Ikaw ba naman sa murang edad na eksayted kang makatanggap ng magandang regalo kasi maganda yung ibinigay mo dahil ikaw pa ang pumili nun tapos mawawasak lang lahat ng naipon mong kaligayahan ng isang alkansyang walang takip ang kabilang dulo.

Karimarimarim.

Grade 1 ako nun, nalaman ko na agad ang konsepto ng pagging offended. Oo, na-offend ako sa natanggap ko. Walang effort sa parte ng tagapagregalo.

Bilang isang paslit, ang magandang regalo ang tunay na kahulugan at diwa ng pasko para sa akin. Hindi ko pa alam ang diwa ng mga intangible na bagay tulad ng pagmamahal, kabusugan, libog, ngiti at tawanan at ang pagkakaisa ng mga magkakamag-anak tuwing pasko. Or siguro alam ko na ang libog nung grade 1 ako, BAKA as in MAYBE nakanood na din ako ng bold nung mga panahon na yon.

Basta bullshit ang regalo ko, badtrip ang krismas party non. Hindi ko na matandaan ang mga naging regalo ko nung grade 2-5. Pero ang natatandaan ko nakabawi naman ako sa pananarantado nung isang beses dahil nagregalo ako ng gold-plated na magnifying glass na mga give-away lang nila Mang Ely sa opisina nila sa Petron dati. Puta, kala mo bolpen ang ibibigay ko? Di na uyyy, akin na lang yon, Cross din yun no (na may Petron na insignia syempre). Sayo na lang yang magnifying glass na sinali lang ng hinlalaki ng paa ng matanda.

Nakita ko pa yung pinagbigyan ko na sumisilip-silip siya dun sa binigay ko. Nakangiti siya, so obyusli natuwa naman siya, meaning hindi pala talaga ako nakabawi kasi nagustuhan niya yung binigay ko. O baka kasi retarded yung napagbigyan ko kaya nakangiti siya sa ganun kasimpleng bagay. Evil much? Pasko naman eh.

Nung grade six naman ako, ang nakabunot pala saken eh yung isang estudyante na bulakbol. Yung tipong walang pangarap sa buhay at bumabarkada sa mga adik at walang ipinapasang exam at quizzes kahit pakopyahin mo pa. Putangina ka din, isa ka pa. Maghahayskul na lang ako iniwan mo pa ako ng masamang krismas party memory.


Johnson's Baby Powder
Johnson's Baby Cologne
At mga kung ano pang Johnson's Products na hindi ko maalala

Yan ang putanginang regalo saken, cosmetic products. Baby cologne at powder, siguro may cotton buds pa at mga cotton balls. Palibhasa nga bulakbol ka kaya ang regalo mo eh cotton balls.

*Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang kong nakagat ang labi ko nung mga panahon na humirit ako ng ganun.*

Di na lang kinumpleto at sinamahan ng diaper at baby wipes, baka napakinabangan pa ng ate ko para sa anak niya.

Gwapo ako at likas na mabango nung grade six ako kaya another offensive gift nanaman yan para saken. Sa ikalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng offendment sa nantanggap ko. Akala siguro niya bakla ako kaya mga pampaganda ang binigay saken. Tseh, kala mong bruha ka! Hindi ka bongga! Tarush!!!

Pero syempre, kung ngayon mo ibibigay ang mga gamit na yan, baka ilibre pa kita sa McDo sa sobrang galak ko at may nakakaalalang regaluhan ako ng mga bagay na ituturing kong "Humanification Products".

Aba Baby Powder ba kamo? Aba, paborito kong gamitin yan sa nanlalagkit kong singit at batok! Pati kapag wala akong deodorant, ihahalo ko lang sa Baby Cologne yan eh solb na ang maghapon na anghit! Cool and refreshing!

= = = =

Nung hayskul eh dinaan ko sa patigasan ang monito-monita. Pinagdusa ko yung nabunot ko, siya lang ang walang natatanggap sa araw-araw. Di na nga nakatiis at sinulatan na ako, maawa na daw ako sa kanya. Ako naman eh likas na pilantropo at may malasakit sa nagdudusang mga tiyanak eh di pagbigyan. Binigla ko na lang nung krismas party, binigyan ko ng Authentic Direct Divisoria Imports for maximum satisfaction kahit alam kong puro pipitsugin yung nabili ng nanay ko at hindi yun ang tipo ng tao na matutuwa sa ganung kalidad ng mga produkto. May pagkasusyalin din kasi yung nabunot kong babae, kahit may pagkapalengkera alam ko gusto nun ng quality products pero wala akong magagawa.

Ang nabili na ay nabili na. Isang pipitsuging ulo ni Winnie The Pooh para sa something soft at mga sangkaterba pang bagay na hindi ko na maalala sa tema ng something-something. Tangina yung sa ko ngang kaklase nagregalo ng tae ng daga, maswerte pa siya sa akin nitong lagay na to.

Nagpasalamat naman siya kahit alam kong gusto na niya akong gulpihin para mamaga ang katawan ko ng kagaya kay Winnie The Pooh.

= = = =

Nito namang nakaraang trabaho ko, meron din kameng exchange gift. Syempre natatak na sa isip ko na hindi mag-effort sa reregaluhan ko sa kadahilanang alam kong wala din namang kwenta ang matatanggap kong regalo.

Sakto naman sabi ng nabunot ko eh mag-burn na lang daw ako ng mga MP3 songs na Alternative. Sosmariano, sangkarabunton naman yung mga yun na hindi ko alam kung ano ba ang tunay na genre ng Alternative music. Salamat na lang sa isang napakabutihin at napakamayuming kaibigan na nagpaunlak ng kanyang download powers para sa regalo ko. At mas nauna na din siyang umalis sa akin dun sa opisina namen na ayaw ko namang ibintang sa ibinagay kong mga CD.

At wowowowowowowowwww seeengh naman look do we have here, si Jerome pala ang nakabunot saken! Sana binunot na lang niya ang tinik ng kainitan sa aking labi gamit ang kanyang naglulumuwang...katarayan para mas masaya ang pasko ko last year. Kaya pala gusto akong palayasin nung sabay-sabay kameng namili ng mga panregalo sa Glorietta Bench, dun niya pala nabili ang chinelas na binigay niya saken. Na maliit at nakakapaltos.

Syempre okay lang! Jerome yan eh! Okay lang na magkapaltos basta sa kanya galing. Well indirectly, sa kanya galing yung paltos ko at hindi ko naman na din isinusuot tong bigay niya. Mas gusto ko na lang sanang ipaframe at titigan buong maghapon at isiping minsan, may isang ganung klaseng babae na nagbigay saken ng semi-matinong regalo.

Sana carpet burns na lang ang niregalo niya saken.

= = = =

Para sa isang kagaya kong bum, jobless, at penniless (READ: PENNY-LESS, hindi PENISLESS bulag!) medyo kulang ang pasko. Walang krismas shopping, at wala ding napakinabangan saken ang mga mahal ko sa buhay lalo na ang mga pinakamalas na mga inaanak sa buong mundo, yung mga inaanak ko.

Parang noodles lang ang pasko ko ngayong taon. Payless.

Pero syempre ngayon na papasok ang halaga ng konsepto ng intangible na bagay. Isa nanamang magandang palusot! O diba! Pagmamahal ang tunay na diwa ng pasko! Tama naman diba? Puro pagmamahal ng karne, pagmamahal ng paninda, baboy at mga gulay na nagpo-frozen salad na sa lamig. Pati ang laman ko mahal na din! Ahihi.

= = = =

Pero ang totoo, nagpapasalamat ako sa isang buong taon na nakatanggap ako ng pagkalinga, ubod ng paguumapaw na pagmamahal, kaligayahan at kasiyahan, kulitan, pag-aalala mula sa kaibigan at kamag-anak at pamilyang kaibigan, pagunawa mula sa pinakama-astig na mga magulang sa mundo, at pangunawa mula sa pinakamagagandang chicks sa universe.

At syempre ang diwa ng pagpapatawad, yiheee.

At sa bonggang-bonggang mga regalong ng mga mahal kong kaibigan! Salamat sa kotse(laruan) ni Ayz, sa makatotohanang tisiert ni Damdam, sa Patis at Thermal mug ng mahal kong si Lowla! Kung may nakakalimot pang magbigay saken, pwede pang humabol para sa special mention! Ahihihi ulit.

Alam namin na pinaghirapan talaga ni Lowla na pigain ang lahat ng alat niya sa katawan para lang makapagproduce ng isang bote ng longneck na patis.

At syempre sa buong pamilya ng Greenpinoy para sa bonggang Christmas party na naenjoy ko at ikinataas ng blood pressure ko sa sobrang busog, ahahaha.

= = = =

Meri Krismas sa lahat ng napadpad sa blog na ito at tumangkilik. Pairalin ang pagmamahal sa puso at ang pagkapanatag ng kalooban, kapayapaan ng isip at kalibugan ng tite at pekpek!

Merry Christmas sa inyong lahat!

(Dapat may litrato dito ng kahit anong Christmas related echos pero dahil pipitsugin ang gamit kong computer eh hindi ko na inilagay)

Elongate...

December 18, 2008

Virtue

Gustong-gusto ko talaga ang konsepto ng paghihintay...


Tipong nasa iyo na lahat ng panahon para isipin mo ang lahat ng mga bagay na dapat mong isipin, ang mga bagay na dapat mong pinaplano.















































































Maliban na lang kung sobrang natatae ka na at kapapasok lang ni Hazel para linisin ang banyo at isabay ang pagligo.

Kaya ikaw Hazel, wag kang magtataka kung bakit ikaw lagi ang inuutangan ni Aling Maring kapag wala akong pera kasi hindi naman ikaw ang naglalaba ng brip kong may skid marks, tseh sayo na bonggang bongga.

Elongate...

December 12, 2008

Princessessessessessess One

Pasensya na kayo sa nakaraang entry. Nalipat sa kukote ko ang pagtatae mula sa bituka ko at basta na lang lumuwa lahat ng dapat kong i-post.

"Alam mo naman si Mariano, may bad sector ang utak."

Sector zero pa kamo. Unreformattable.

**Salamat sa isang napakagandang dilag na nagbigay ng komento na yan sa akin! Nagustuhan ko siya in pernes. Bagong tagline!**

Patawarin mo ako kung nahirapan kang magbasa sa sobrang haba. Kinukundisyon ko lang ang utak mo sa maaari mo pang matamo sa mga susunod pang mga sulatin mula sa blog na ito. Wag kang magrereklamo sa akin sa mga susunod pang pagkakataon at lalo na kapag nadiagnose kang may tumor ka na sa mata at frontal lobe.

Anyway, let's stop dwelling in the past and let's just keep moving forward. On to the real purpose of this blog, which is ang magpalaganap ng purong kahalayan at kabastusan.

Parental banning is required.

= = = =

Habang kumakain ako ng tanghaliang gulay minsan isang tanghali, napatingin ako sa pintuan ng kabinet ng damit ng mga pamangkin ko na nakapatong sa silya.

Oo, nakapatong sa silya. Natanggal kasi. Palagi kasing binubuksan ni Alex sa hindi ko alam na dahilan kaya nasira at bumagsak na.

Yung pintuan ng cabinet, hindi yung mga damit nila, pedopilya!

Nakita ko yung sticker na nakadikit sa piraso ng tabla. Mga babaeng naka-gown.

Mga Disney Princess na magkakasama pala yun.

Tinuro ko at tinanong sa ate ko kung sino yung nakapink.

Si Belle daw. "Eh si Belle yung nakadilaw eh! Tanga! Akala mo ang galing-galing mo na porke ikaw ang nagbabayad ng bayarin sa pamamahay na to at ikaw ang sumusuporta sa amin! Anong akala mo? Porke wala akong trabaho hindi ko na alam kung sino ang Disney Princess? Napakayabang mo!" Reklamo ko.

= = = =

Si Belle daw. "Eh si Belle yung nakadilaw eh!". Totoong reklamo ko.

Ate: "Si Cinderella pala."

Ako: "Aaaah, magawan nga ng article!"

Ate: "Alam mo dapat maging writer ka na lang eh!"

Ako: "..."

= = = =

Ang article na ito ay isinulat ng writer by approval of ate, patungkol sa mga Disney Princess na nakalagay sa sticker na nakita ko.

Hindi ito wholesome. Bastos ang article na ito. Nilabasan nga ako ng dalawambeses habang sinusulat ko eh.

= = = =

Madalas kong marinig ang pamangkin kong si Andie na nagkakakanta ng sarili niyang rendition ng Little Mermaid song, with matching the AaahhAaaahhhaaAaaaah na kanta ni Ursula sa boses ni Ariel nung nahipnotismo niya si Prince Eric.

"Aftey yey wan, aftey yey wok, aftey dei stay all day in the sun. Wish I could be, partof yo woooorld."

Ikaw pa ang papagalitan kapag kinorek mo. "Don't sing my song!!!"

Maldita.

= = = =

Bilang tagatangkilik ng mga Disney Movies, minsan na din akong nainlab sa mga Disney Princesses na ito nung kabataan ko. At magpahanggang sa ngayon, naiinggit pa din ako kay Prince Charming dahil sa pagkababaero niya at pati ang katawang tao ni Fiona naidamay na niya sa pambabae niya.

Ilan ba ang Disney Princesses na si Prince Charming ang nakatuluyan? Tatlo? Lima? Ewan ko. Tatlo lang ang alam ko eh. At malamang lahat silang tatlo nabembang na ni Charming. Kaswerteng prinsipe. Dapat prin-siping ang pangalan niya at hindi prinsipe.

= = = =

Si Jasmine




Yan si Princess Jasmine ng Agrabah. Tama ba? Agrabah? Ah bastah.

Sheheeet, ang hot kaya ni Jasmine! Tignan mo yung labi niya. Yung mata niya. Yung buong mukha niya, nakakalibog na eh. Tapos firm din ang dede, parang maingat yatang bumarurot si Aladdin at parang hindi pa siya laspag sa recent photo niyang ito.

Pioneer siya ng magic carpet ride position, kung di ako nagkakamali.

Yan ang isa sa mga Disney Princess na napanood ko sa sinehan kasama ang ate ko, kaibigan niya, at ang kinakapatid ko. Pinatatakluban pa saken ang mata ko kapag kissing scene, tangina. I'm not a baby. Akala siguro gagawin ko sa kinakapatid ko yun. I don't do half-relatives!

Maganda si Jasmine. At hot, hindi lang dahil nakatira siya sa disyerto, pero dahil ang ganda niya. Negra dahil sa init ng araw pero alam ko makinis ang balat niyan. Para saan pang maging anak ka ng sultan kung hindi mo gagamitin ang kapangyarihan mong makakuha ng beauty products at mga disyertong langis na pamahid sa katawan? Que umitim siya dahil ng init ng araw o ipinanganak siyang morena, masarap pa din siya sa paningin.

Wala naman sana siyang anghit, ampangit kaya nun. Magtitirahan na lang kame, pipigilan ko pa ang paghinga ko sa ilong. Baka bigla akong panlambutan kung lahat ng singit sa katawan niya may amoy. Amoy camel? Sana hindi naman. Alam mo naman sa disyerto, camel ang pinaka-scooter nila. Sana hindi humawa yung amoy ng likod ng camel kakakuskos sa pekpek niya kapag nakasakay siya.

Palagay ko sagana siya sa Rose Oil at mga pabango ng arabo. Siguro mabango ang pekpek niya gamit ang Rose Oil, dahil mas maganda kung gagamitin niya itong lubricant kapag nagpipinger siyang mag-isa, at iwas din sa scars at punit. Wala pa naman kasing Belo at Calayan doon eh, baka barter trade lang at Home TV Shopping.

Palagay ko masarap ang pekpek ni Jasmine. Meron sigurong magaspang na texture ang puke niya dahil madalas siya sa disyerto at nabababad siya sa buhangin. Para akong nagjakol ng may milk salt sa palad. At masikip din siguro yun dahil kung nasa pag-aari ni Aladdin ang magic lampara, pwede niyang hilingin maging virgin forever si Jasmine. Kaya loose ang pants ni Aladdin, para di halatang tinitigasan siya palagi kay Jasmine. Si Jasmine ganun din, loose ang pants para di halatang laging basa ang puke niya kahit tuyo ang buong disyerto.

Dahil anak siya ng sultan, mayaman siya. Hindi siya pabaya sa kanyang sarili kaya kahit arabo siya wala akong dapat ipagalala sa amoy. Servants na niya ang bahala sa hygiene niya bilang prinsesa.

Tapos pagkatapos naming mag-sex, aasikasuhin ako ng mga tauhan niya at alalay. Reregaluhan pa ako ng maraming kayamanan. Papakainin ako ng pinakamasasarap na pagkain, pwera pa kay Jasmine. Masarap ang sexlife kapag si Jasmine ang princess ng buhay ko.

Wag ko lang siguro siyang bibitinin dahil yari ako, puputulan ako ng tite. Mahirap mapasakamay ng mga arabong anak ng sultan. Pampered nga ako kung nagsesex kame pero kapag nabitin siya, magiging pulutan ng mga scorpion at ahas ang wetpaks ko. Ipapalapa pa ako sa alaga niyang si Rajah. Baka bakla pa yung tigreng yun. Uunahin niyang ipakagat ang burat mo tapos ipepreserve niya ito, ilalagay sa garapon, at ipapamummify bilang koleksyon.

Pero duda ako kay Jasmine eh. Bago kasi dumating si Aladdin eh wala naman siyang kasiping. Siguro ginagamit niya si Jafar pati yung baston niya para pamparaos. Aanhin mo ba naman kasi ang wirdong adviser ng sultan kung matalino ka naman bilang anak niya diba. Eh di sana ikaw na lang ang mag-advise sa tatay mo. Pero hindi eh, andyan si Jafar, at ang kanyang baston. Na korteng ahas for an extra sensation.

Kung ako man ang makakakuha ng lampara, wala, iiwan na kita at ang imahinasyon mo para isipin kung ano ang magagawa ko kay Jasmine gamit ang tatlong kahilingan.

Tulad ng disyerto na minsanan lang datnan ng ulan, matatantya kong ganun din si Jasmine. Minsan lang mabasa pero matindi ito at rumaragasa.


= = = =


Si Ariel




Kung meron mang pinagmulan ang connotation ng tahong sa pekpek, kay Ariel ito malamang na nanggaling.

Sirena siya, isang maalindog na sirena. Isang sirenang punung-puno ng kagustuhang magkaroon ng hita para meron siyang ibubukaka sa oras ng kangkangan. Isang prinsesang nangarap maging tao para lang matikman ang hiwaga ng yumuyugyog na kama. Para lang matuklasan niya na hindi lang ang dagat ang may kakayanang umalon.

Mas gusto ko siya kay Dyesebel o kay Dyosa Anne Curtis dahil magaling siyang kumanta. Di ko alam kung pati ang microphone ko eh gagalingan din niya ang pagkanta. Pero totoo, napakaganda ng boses niya. Nagkakaron nga siya ng underwater concert in bikini. Yun lang hindi niya sinisipot.

Problemado lang siguro siya sa sex life bilang sirena. San ka ba kasi magsasalpak ng tite dyan sa palikpik na yan? Nakakatakot, baka mabalatan ng di oras si junior dahil ng tinik. Tapos baka nangangagat pa yung tahong niya, sabik sa laman ng tagalupa.

Malas pa nito, may laser beam yung trident ng tatay niya. Mainitin pa man din ang ulo ng tatay niya. Nangolekta lang ng abubot ng mga tao yung si Ariel, nagalit na. Hindi lang sumipot sa concert, nag-init na ang ulo. Paano pa kaya kung tirahin mo ang anak niya? Baka ikaw naman ang matira ng giant golden tinidor sa pwet.

Galing sa magandang angkan si Ariel. Ang gaganda ng mga kapatid niya, lahat panalo. Walang sardinas at hipon kahit mga underwater creatures sila. Kung kasing-bangis lang din ng pating yung magkakapatid na yan pagdating sa sex, hindi ko papanghinayangan ang limandaang tangke ng oxygen para lang makapiling sila gabi-gabi.

At palagay ko mas lalo pang naging okay si Ariel nung nagkaron siya ng paa. Naghiwalay ang palikpik niya, kasama nang nagkahiwa sa pagitan ng hita niya. Mas lalo sigurong naging sariwa ang tahong niya kung ganun. Bagong buka pa lang.

Ang kaso lang kay Ariel, MILF na siya. May anak na, si Melody. Ewan ko kung mahihintay ko pa ang pagyabong ni Melody bilang ganap na babae, pero pwede na ako kay Ariel. Maganda ang boses niya. Bago kame magmake love, kakantahan niya ako pamparelaks at siyempre, maganda ang boses niya habang humahalinghing siya sa aming ginagawa.

Hmmm! Lasang dagat! Hmmm!!! Buttered tahong! Sarap!

Pero siyempre hindi tayo nakakasigurado kung sariwa nga ba o amoy isdang bilasa ang tahong niya. Matagal din siyang nakababad sa tubig dagat. Magaspang sa balat yun at nakakadry ng balat ang breeze sa beach.

Baka mamaya pa nga eh Vagina Dentata pala siya, may ngipin ng pating dun sa keps niya. Kusang nilagay ni Triton dun para pangalagaan ang integridad ng kanyang pinakamamahal na anak.

Kita mo naman yan, mas maputi pa kay Jasmine eh siya na itong laging babad sa beach. Palagay ko, pink ang perlas sa likod ng kabibe na suot niya. At yun ang isa pa sa hinding-hindi ko papalampasing matikman. Gaano kasarap ang makasupsop ng perlas ng prinsesa? Walang katulad.

= = = =


Si Belle


Homaygoggles, si Belle. Pangalan pa lang, matitililing ka na. Napakagandang dalaga. Ang sarap dilaan ng mukha niya. Ang pupula at ang lalaki nung bulaklak na hawak niya, sana ganun din ang pekpek niya no? Ahihi.


Si Belle naman ang nagpakita ng pagkaintelehente sa mga Disney Princesses. Siya lang ang nakita kong may interes sa pagbabasa at aklat na ayaw ni Gaston kasi walang pictures.

Anak ng imbentor si Belle, kaya naman namana niya ang katalinuhan sa kanyang tatay. Yun ang mas sexy dito kay Belle, yung pagkamatalino niya. Kung nauso na ang blogging noon, baka naikwento na din niya ang kanyang sexual fantasies in an exorably vivid depiction.

Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng terminong Sex Beast. Ikaw ba naman ang maging beast na sa pang-araw araw na buhay mo, tapos makikilala mo pa si Belle, eh di tuod na lang ang hindi magiging sex beast sa ganyan kagandang dilag. Pang front lang nila sa pelikula yung nag-aaway sila pero all along, nagaaway talaga dun ang mga sex organs nila.

Dalagang bukid si Belle. Malapit sa mga hayop, tulad sa kabayo niyang si Phillipe. Kaya di na ako magtataka kung napamahal na din siya kay Beast. You know, mola. Imposibleng mahalin niya lang si Phillipe at Beast ng pagmamahal lang ng hayop, syempre hindi pinakita yun sa palabas na ginamit niya si Phillipe at si Beast na parang baston lang ni Jafar para kay Jasmine.

Si Belle ang totoong nagpauso ng Bestiality sa porn scene at hindi ang mga pornstars.

Sobrang sweet at charming naman nitong si Belle kaya palagay ko papayag agad to makipagsex. At marunong din siyang kumanta. Lahat naman ata sila magaling kumanta. Pero iba-iba ng setting. Sa disyerto kay Jasmine, sa ilalim ng dagat kay Ariel. Sa bakuran naman ng kastilyo ang kantutan, este, kantahan scene ni Belle.

Pangit lang sa kanya eh baka sobrang nalaspag na din siya ni Beast at kung ano-ano nang kuto ang makikita sa bulbol niya. Ikaw ba naman ang makipaglambuchingan sa sex beast, ewan ko na lang kung ano pang makukuha mo pwera sa kutuhing bulbol at kalmot-kalmot na balat.

May temper problem si Beast. Siyempre di naman nya mapipigilan yun kapag nagsesex na sila ni Belle. Deep inside, pangit na ang kutis ni Belle. Maraming kagat at kalmot yang si Belle sa katawan, sa pwet, baka pati labia majora niya punit-punit na din kakakagat ni Beast kapag may foreplay session.

May pagkamasokista tong si Belle sa palagay ko. Siguro minsan dun sila nagme-make love sa dungeon ng kastilyo ni Beast, with matching all the torture devices.

Kung ikaw ang prinsesang nakulong sa malaking kastilyo, wala ka namang choice kundi sulitin to eh. So palagay ko lahat na ng kwarto, nagamit na nila Beast at Belle.

At dahil mahilig magbasa si Belle, malawak ang kaalaman niya sa sex. Tignan mo naman kung gaano kalawak ang library ni Beast. Imposibleng mawalan ng libro dyan tungkol sa Tantric Sex, Kamasutra Etcetera, Best positions, lahat na ng librong patungkol sa love-making meron dun. Siyempre sana pagpraktisan niya ako diba.

At may eksena dun sa palabas nila na kung saan naharang ng mga wolves si Belle at Phillipe. Feeling ko nagselos yung mga wolves kay Belle. Dati sigurong parausan ni Beast yung pamilya ng mga wolves na yun, tapos dumating si Belle at tinanggalan sila ng ikabubuhay. Malay ba natin kung binabayaran sila ni Beast ng karne para sa libreng paraos, eh andyan na si Belle, mawawala na sila sa eksena.

At yung si Lumiere, ginamit na din ni Belle yan for extra sensation. Ikaw ba ang maikulong sa kwarto ng panandaliang panahon, syempre maghahanap ka din ng ibang papaglibangan. Ayos yun, candle wax na ipapatak sa balat mo sabay salaksak ng kandila sa hiyas niya, oh my. Exotically erotic and in heat.

Palagay ko kung napasama ako sa mga tauhan ni Beast at naisumpa, pipiliin kong maging adjustable dildo with matching engraved writing na "USE ME TO GET OUT OF HERE". O kaya video cam. Yung hidden cam para mas astig para pwede sa kahit saang lugar sa loob ng kastilyo.

Pero tangina, wag naman sana akong mapagdiskitahan ni Mrs. Potts sa mga pantasya niya.

Elongate...

December 1, 2008

Update

Teka nga. Makapag-update nga muna.

Nakaisang taon na din pala tong blog na to. Marami akong naging kaibigan, mga ka-blog at mga tropang minahal ko na din at naging parte na ng pulso ng buhay ko. Isa ito sa malaking porsyento na bumubuo ng pagkatao ko.

Blogger ako. Proud ako dyan.

Dito na din ako nakatagpo ng katauhan kung saan ako magaling - ang maging loser.

Pero maraming may ayaw nito para saken. Masyado na daw akong kinakain ng titulo ko. Masyado kong pinanindigan ang identity na ito. Hindi na nakakatuwa.

Marami silang nadidismaya sa ugali ko. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi mo gugustuhing pagsabihan dahil kung ang sa normal na taong walang pakialam, pag sinabihan mo sa kaliwang tenga eh lalabas sa kabila, ako sa lahat ng butas ko sa katawan lumalabas ang mga paalala at pagbibilin tungkol sa buhay. Parang balakubak lang na pinapagpag ko mula sa balikat ko ang mga aral na hirap nilang pinagtuunan ng tamang salita para lang maturuan ako at magabayan.

Malaki ang problema ko sa sarili ko.

Darating ang panahon magsasawa lahat ng nagmamahal sa akin at maiiwan akong namamaluktot sa lamig ng pag-iisa. Aaminin kong takot akong mag-isa. At aaminin ko din ang pagkakamali ko bilang kaibigan. Lahat ng nakikita nilang potensyal sa akin, tinatapon ko lang na parang pabalat ng nougat.

Patawad sa mga mga mahal kong kaibigan.

Nakakademoralize ang ganitong klase ng ugali para sa akin at para sa iba.

At pinagbayaran ko ito ng ubod ng laki. Winasak ko ang isa sa mga bagay na pinangangalagaan ko sa buhay ko - ang pagkakaibigan. Dahil sa titulo kong ito, nangyare ang isang masaklap na bagay at hindi na ito maiibalik. Sa panahon ko na iniaatas ang paghihilom ng sugat na sanhi ko.

Sa ngayon, hindi ko din alam kung san ako pupunta. May panahon na nababagot ako sa sarili kong buhay kapag napapaisip ako tuwing nag-iisa. Dala na din siguro ng wala akong trabaho, at umabot sa higit na inaasahan ang pagiging bum ko at tambay sa bahay. Kinakain ako ng pagkabagot at nararamdaman ko ang pagkamiserable ko sa mga ganitong pagkakataon. Parang gusto ko na nga lang talagang magkaron ng cubicle at task sa mga panahon na yon.

Nakakapagod maging loser. Palagay ko sa susunod na pagkakataon na mapasabit ulit ako sa dito sa mundo naten, iba na ang pananaw ko sa buhay. Iba na ang pagkatao ko, at siyempre, iba na din ang balat ng Lucky Me Pancit Canton. New Look, Same Taste, ika nga.

Lumilipas ang lahat ng bagay. Ewan ko lang tong blog na to. Baka mamamatay na lang ako iisipin ko pa kung matino ba ang traffic nito o kung anong PR at kung sino ang nasa sibaks, mga masugid na nagkomento kahit di ako nagrereply, at mga nakikipagExlinks. At sa kung nadagdagan ba o bumaba ang numero ng sabskrayber ko ng feeds.

Sa ngayon wala namang hater tong blog na to. Kapag kasi nagkaron pa ng hater to, puta kawawa naman sya. Loser na nga lang pinatulan pa niya.

At kahit sa huling hininga, pilit ko pa ding aalalahanin ang mga masasayang alaala na naidulot saken ng mga kataga ni Eddie Garcia.

Dramatic much?

Hahaha. What a loser.

Nabasa ko lang sa comics ng Bazooka Joe ang lahat nang yan. Wag kang maniwala.

At oo, tama ang nabasa mo. Wala na akong trabaho.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Office Chronicles : T-Day


Nabanggit ko bang wala na akong trabaho? Oo, wala na.

Kelan pa? Matagal na din.

Nagtataka siguro kayo kung bakit wala na ang Office Chronicles na inaabangan ng mga nagbabasa mula sa ibayong-dagat (salamat po sa inyo at hi din po!)

Opo, wala na akong trabaho. Last day ko na nung August 26, 2008. 11 months ako sa opisina. Di man lang ako nakaisang taon. Supot.

At mahigit dalawang buwan na akong walang tarbahow.

Wala na ang halimuyak ni Jerome at ang pisngi ng kanyang makikinis na babies. Ang yosi moments namen maging ang mga katarandaduhang boy antics niya kapag magkakasama kame. Wala nang munchkins, wala nang pingpangs. Wala nang freebies, at wala nang kasiyahan tuwing tanghalian.

Wala na ding task na nakakapressure at mga pandudustang personal ni bossing.

At higit sa lahat, wala na akong pera.

Ang huling balita ko naman sa mga naiwan eh may pait na nalalabi sa kanilang mga damdamin dahil feeling nila naisahan sila ni Big Brother. Pagkatapos silang bigyan ng mababang marka sa evaluation, bigla daw itong nagresign. Ewan ko kung anong nangyare, pero hindi na ata sila ganun kasaya yun.

At sinasabi ko lang yan para hindi ko panghinayangan ang lahat.

Eto nga pala, share ko sa inyo.

August 22, 2008

MARIANO JUANCHO

Dear Mr. Juancho

Persuant to the guidelines of This Office That You Work For Inc., a probationary employee is evaluated prior to regularization to determine if the employee satisfactorily meets the requirements and standards of the company. As you know, one critical requirement for you is to pass the TOTYWFU Java Scholarship Program is to pass the SCJP exam.

Here's the summary of your scores: (*AKA the slap-in-the-face YOU'RE A FAILURE scores*)


Date of Examination----------Scores---------------Status


January 23, 2008-------------23%-----------------FAIL
May 6, 2008--------------------44%-----------------FAIL
August 20, 2008--------------48%-----------------FAIL

As indicated above, you failed to meet (*don't you think I know already?*) the passing score of 65% in the SCJP Certification exam in spite of the several chances that you were given to meet the expected score.

As stated in the Training Contract, failure to pass any tests/assessments shall be valid and sufficient cause for the termination of the training contract.

It is with deep regret (*this I'm sure of*), then, that we advise you (*to go find a new job?*) that your employment as a Java Trainee in the TOTYWFU Java Scholarship Program is terminated effective August 26, 2008.

We appreciate all the contributions you have made to TOTYWF Inc.

Attached is the clearance form of your completion. Please forward the completed and signed form on your last day, August 26, 2008 (*inulit pa talaga*).


Sincerely,

HR Manager (*Succubus*)

Received by:

Mariano Juancho

Date: August 22, 2008


Higit pa sa lisensyang tatlong beses kong itinapon, ang panghihinayang ko na makasama pa ng mas matagal si Jerome. Joke. Para saan pang magyosi ako kung hindi lang din siya ang makikisindi? Wala na. Wala nang halaga tong pagsusunog ko ng baga ngayon. Pero seryoso, ang laki kong pabaya at irresponsableng tao no? Para ibagsak mo ng tatlong beses ang exam na pare-parehas naman ang tanong, wala na sigurong mas hihigit pa sa pagkapabaya ko.

Long weekend kasi yun matapos ang August 22. Martes na ako pumasok pero matapos akong kausapin ni HR Manager nung hapon, wala akong pinagsabihan kahit kanino ng pag-alis ko. Tahimik lang akong nagpapirma sa mga boss ng clearance at wala silang kaalam-alam sa nangyare. Akala nila inaalila ako dahil libot ako nang libot sa opisina kakahanap sa mga boss na nagkalat lang sa normal na araw tapos pag kailangan mo eh nawawala bigla.

Ganun ata talaga ang estilo nila ng pagpapalayas. Meron ka lang isang buong maghapon para iuwi ang lahat ng basurang inipon mo sa desk mo. Meron ka na lang isang maghapon para gawin at tapusin ang mga trabahong iiwan mo sa iba. Isang maghapon lang ang meron ka para makasama ang mga mahal mong kaopisina. "Last day mo na ngayon". Ganun lang kasimple.

Nagulantang na lang sila nung nagmessage ako mula sa bahay at sinabi kong last day ko na kahapon. Ewan ko kung nagalit ba sila o nalungkot. Isa lang ang sinang-ayunan kong sinabi nila saken, at yun eh wala na daw maingay tuwing lunch.

So long pingpangs, so long munchkins, so long free coffee, so long Jerome.

Goodbye.

*Siyempre hindi ito ang wakas ng Office Chronicles natin. Ganun pa din ito, lilipat pa din sa ibang opisina. Hindi na nga lang kasing-saya nitong adventure ko dito. Sana masamahan nyo ako sa susunod na opisina ko. Akshuli madami pa akong gustong sentimiyentong gawin, pero hindi ako pwedeng manatili sa ganung damdamin na lang. Makapaghanap na nga ulit ng trabaho, sosme.*

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Necessity is the Mother of a Deadly Microphone and Atomic House Resizer

Piyesta sa amin dito ngayon. December 01. Wag na ninyong itaga sa kalendaryo ninyo dahil wala naman kameng kwentang mamamayan at hindi kame naghahanda sa piyesta. Mapuwera na lang kung katanggap-tanggap ba sa inyo ang Yakisoba Chicken at hiniwa-hiwang carrots bilang handang-piyesta para sa bisita.

May inuman sa kapitbahay. Kakambal ng inuman ang bidyoke masin. Sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong magtrabaho sa pagawaan ng mikropono at bidyoke masin na kung saan magiging employee of the month ako.

Ako ang magpapanukala ng mikroponong may lumalabas na bala ng Garand Rifle o di kaya eh kahit .45 caliber hollow point sa tuwing may magkakamali ng tono. Kakabitan ko din ng aparato yung mikropono na kung saan may lalabas na boltahe ng kuryente. Ang iskor na lalabas ay multiplied by 10,000 volts. Kung nagawa ko lang ng maaga to hindi ko na sana narinig yung All By Myself Tsunami version nung kapit-bahay namen. Gangga-building yung pagkasintunado-islas-alon ng boses. Hindi ako pintasero, at lalong hindi ako magaling kumanta, at wala din ako sa tono madalas kapag kumakanta. Marunong lang akong makaappreciate ng tahimik na paligid.

*Impormasyon: Hindi boltahe ang nakakamatay. Kuryente o Current (in Amperes) ang nakakamatay.

V=IR, where V is the Volts, I is the Current, R is the resistance, o ang tinawag ding Ohm's Law.

Ayon sa chart na ito, maaaring mamatay ang isang tao sa current na 0.1 hanggang 0.2 A ng kuryente, or should I say Dagitab.

Panakot lang sa tao yung value ng 10,000 volts or 50,000 volts sa mga riles ng tren at mga bakod ng Meralco o strap ng bra ng gelpren mo. Pero hindi ibig sabihin na kapag hindi mataas ang boltahe, hindi ka na mamamatay. Ganun na din yun, at wag kang umasang may sapat kang value ng R sa katawan para labanan ang pagdaloy ng ultra-electro-kilig sa katawan mo.*

Nagkafireworks display din kanina sa munisipyo. Nilundag ko ng mas mataas sa normal na lundag yung hagdan para abutan. Para lang sa ano? Para makita ang usok sa langit at ang mga fireworks na natatakluban ng pagkatayog-tayog na bahay ng kapitbahay. Dito naman papasok yung Atomic House Resizer. Alam mo yung aparato na itututok mo lang sa isang bagay tapos kaya mo nang baguhin ang size nito by a drastic proportion? Yun ang Atomic Resizer. Nilagyan ko lang ng House para mas specifically designed sa mga bahay at hindi sa tite, ambisyoso. Pero sige, gagawan kita ng Atomic Penis Resizer. Ang problema lang dito sa aparatong ito eh baka magyabang ka't gawin mong parang baril na nakasukbit sa bewang mo't nakaset sa times1,000,000 units DeAtomization. Baka magjakol ka gamit ang tiyane at microscope kapag nagkataon.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Rescue Me : The Final Part, Which Was Third to Rescue Me : The Part Two Of Rescue Me : The Beginning, Which Is In Turn, Second To The First One

Hindi ako mahilig magyabang. Ako yata ang taong napakagwapo, matalino, at ubod ng lakas ng karisma sa chicks na hindi marunong magyabang.

Hindi naman sa down-to-earth ako pero ang totoo niyan, wala naman talaga kasi akong maiipagmayabang. O sige, marunong akong magpagalaw ng nguso at ilong. Satisfied? Good.

Ang natatandaan kong pinakamatinding pagyayabang na pinakamatindi kong ginawa eh na napakatindi eh nung nagmayabang ako kung gaano kakapal ang koleksyon ko ng teks ng Dragon ball nung bata ako.

Hindi na rin masama no? Kahit siguro nasa isang pormal akong meeting kasama ang mga kababata at kaklase kong mga bigtime na, matapos lumipas ang dalawampung taon eh maaari kong isampal ang katotohanang yan sa pagmumukha nila kasama ng koleksyon ko ng Mask Rider Black plastic toys na nakokolekta kasama ang pagkaasim-asim na candy.

Kaklaseng big time: "Pare, ang hirap mag-manage ng malakihang business sa panahon ngayon, dapat talaga marunong kang magbasa ng takbo ng economy para you can play your cards right."

Ako: "Cards ba kamo? Heto, meron ako. Street fighter #0876 na dinidisplay yung Hapekpek hadouken ni Ryu laban kay Pacquito Diaz. Trade?"

= = = =

Sa pagitan ng September 24 hanggang 26 (Pasensya ka na, hindi ko na matandaan, hindi ko kasi pinagmamayabang ang matindi kong memorya eh) nang mapagpasyahan kong tuluyan nang gawan ng paraan ang nakakarinding pagingaw-ingaw ni Kumukuti.

Bago ang lahat, nais ko nga palang ibahagi sa inyo ang lokasyon na kung saan matatagpuan si Kumukuti sa mga nagdaang panahon.


Galing sa WikiMapia. At oo naitanong ko din sa sarili ko kung sino si Rhon Batuigas.


Ay, oh I'm sorry? Is that too expanded? Well bless my buttocks and juggle my scrotum! Reklamador!

Eto na nga, ilapit na natin. Pft.

Si Kumukuti yung kulay itim na bola ng balahibo na may parte ng puti. Kasama niya yung chicken nuggets sa microwavable na lalagyan. At mangilan-ngilang dahon ng puno ng bayabas na ipinangunguya sa mga batang gustong magpatuli.


Malabo ba kung asan siya? Sa susunod ikaw na ang kumuha ng litrato, ingrate!

Ikalawang kasayangan: Chicken nuggets

Hindi naman talaga siya kasayangan kasi tinda yun ng ate ko na binili lang sa isang di-kilalang factory dun sa tapat ng Makro. Wala siyang tatak na sikat pero masarap naman kung iisipin mo lang.

At gusto mong makasiguradong masarap, kontakin mo lang ako sa blog na ito para umorder ng isang pakete at ikaw na mismo ang humusga.

So ayun, pinainan ko siya ng tira-tirang chicken nuggets na galing sa refrigerator namen. Iniuwi ng mga pamangkin ko galing iskul. Ayaw daw nila, hindi nakain.

Sinubukan kong painan ng mas matinding artillery si Kumukuti. Nung una, hotdog lang, ngayon chicken nuggets na.

Kaso puta, wala din. Tatanga-tanga kasi itong pusang ito. Hindi marunong magkamay kapag kumakain. Kapag kinakagat niya, nalalaglag lang dun sa siwang ng mga tambak ng silya. Gusto kong parusahan ang sarili ko sa katangahan ko. Hindi ko kasi nilagyan ng tinidor yung pinain kong nuggets. Hindi niya tuloy na-gets ang sarap ng nuggets. Malay ko ba kung sosyalin din pala yung pussy na yun at tinidor ang ginagamit imbes na bibig lang.

(Napaisip tuloy ako sa kuneksyon ng tinidor at pussy. Makapag-email nga sa production staff ng porn film)

Wala, bigo ako. Hindi ko siya makuha. Ginawan ko pa man din ng paraan para mapalapit siya dun sa maliit na siwang para makuha.

Para sa kaalaman ng lahat, merong maliit na siwang dun rehas ng bakod. Kasyang-kasya ang kamay ko dun pati na din si Kumukuti kung gagawan ko lang ng paraan na mapalapit ko siya dun.

Pero bigo ako. Hindi ko siya nakuha. Akshuli nakuha ko siya eh. Nahawakan ko na nga at nadama ko ang kanyang balahibumpusa. Nahimas ko siya ng bahagya, pero anong silbi ng kaligayahang ito kung panadalian din lamang ang ligaya?

Mailap si kumukuti. Hindi siya ang inaasahan kong malamya at maamong pussy na nais kong iligtas. Maliksi siya at hindi sanay sa himas ng tao. Maikukumpara siya sa isang pusang hindi sanay sa tao. Na mailap.

Naisagawa ko naman ang plano kong mapainan siya gamit ang...

Ikatlong kasayangan: More chicken nuggets

Napalapit ko na siya dun sa siwang sa pamamagitan ng pagpapain sa tamang lugar. Nahuli ko na. Pero ako lang ang nasaktan. Nakalmot ako at nakagat. Sino ba kasi ang mag-aakalang ganun siya kabangis? Si Mike Enriquez? Hindi siguro.

Pinagmukha niya pa akong tanga. Kasyang-kasya pala siya dun sa maliliit na siwang ng bakod. Pukingpusa yan, nagiinarte lang ata kaya nagngangangyawngyaw dun sa likod ng bakod.

Pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Itinuloy ko ang plano ko sa kabila ng pagiging mailap niya. Di ko man siya mahuli, alam ko sa sarili kong natulungan ko siya at hindi ako nagkulang sa tungkulin ko bilang pussy lover.

Anyway, ito pa ang isang litrato niya. Para wala nang sali-salita kung anong ginawa ko para maibsan ko ang paghihirap niya. Oo, chicken nuggets pa din yan.

Pinagprepare ko pa din siya ng pagkain kahit alam kong walang kapalit na sex yan.


O diba ang sweet ko? Ginawan ko pa siya ng pakainan! Bale ang ginawa ko, kumuha ako ng microwavable na container, binutasan ko at itinali ko para hindi na malaglag ang kung ano mang pagkaing inayawan na ng mga pamangkin ko. Oo, sinamahan ko ng pagmamahal ang pagtatali ko diyan at binudburan ko din ng makataong damdamin at kalahating takal ng awa ang chicken nuggets na inihain ko sa kanya.

Pagkatapos ko siyang paghandaang pakainin, kinuhanan ko siya ng bidyo.


Feed The Pussy...Cat from Mariano Juancho on Vimeo.

Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyare kay Kumukuti. Nawala na lang siya isang beses. Nanahimik na lang bigla. Bago yung mga gabing tumigil siyang magngyaw-ngyaw, maingay yung mga aso dun sa pwesto niya. Parang nagbabangayang mag-asawa sa ingay. Baka sila na ang gumawa ng paraan para hindi na ako marindi sa ingay ni Kumukuti. Sad ending no?


*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Tagged 07 from ProjectWicked

Tag mula sa ProjectWicked by Miss Dre

{Start Copy Here}

Rules:
1. Copy paste from
{Start Copy Here} to {End Copy Here}
2. Please link back to the person who tagged you and PASS this tag to many of your friends
3. If you have more than one blog, please post this to all of your blogs, the more the merrier.
4. The use of NO FOLLOW on links is not allowed, Let’s all be fair!
5. Remember to come back here at JENNY TALKS (pls. don’t change this link)and leave the exact post url so I can add you to the master list to help increase our rankings and improve our Technorati Authority.
6. Spread the virus.. oooopps I mean the VIRAL LINKING and happy blogging!

BLOGGERS:
#1. Scraps & Shots #2. Simply Jen 3. This and That 4. Fab & Chic Finds 5.A Slice of Life 6. Jenny Talks 7. Tech Stuff Plus 8. Food on the Table 9. Aussie Talks 10. When Mom Talks 11. Moments of My Life 12. My Crossroads 13. A Life in Bloom 14. Because Life is a Blessing 15. Digiscraptology 16. BLOGSILOG 14. Cherry’s Comfort Zone 15. DigiScrapz: Captured Memories 16. Buzzy Me 17. Fab Finds, Etc. 18. Thinking Out Loud 19. Wishing and Hoping 20. PRC Board Exam Results 21. Jobs Abroad 22. My Blog Portfolio17. Race Corner 18. Mommy Talks. 19. Home and Health 20. All Kinds of Me Stuff 21. Ink Baby Studios 22. The Salad Caper 23. Winding Creek Circle 24. Aggie Scraps 25. Momma Stuff 26. We Are Family 27. Gandacious 28. Busynessworld 29. Folcreative 30. Swanportraits 31. Rumination Under The Clouds 32. Consciously Think 33. Sprawt 34. Healthy Skinny 35. Geekyology 36. When Mom Speaks 37. Rumination 38. Captured on time... 39. Pit of Gadgetry 40. Project Wicked Blogs and Reviews 41. Ulirat Ni Mariano : Loser's Realm 42. Your link here

{END Copy Here}


At dahil galante ako, bahala na kayong magtag sa mga sarili ninyo.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Tag 08 from LethalVerses

Itong tag na ito ay nagmula kay LethalVerses ukol sa mga NDE.

A very long time ago, when I was still a young boy and everything is in black and white...

Namatay ang lola ko. Nanay ng tatay ko. Bata pa ako nun, siguro mga less than 5 years old or so. Maikokonsiderang ako ang pinakabatang miyembro sa aming angkan.

Kung hindi ako nagkakamali, tama ako.

At kung mali nga ako, pakitama ako sa paniniwala sa aming lugar na mayroong mga supernatural na pangyayari ukol sa namatay na kamag-anak at ang "pagsundo" sa pinakabatang miyembro ng pamilya.

Ang cute ko pa man din nung bata ako at hindi ko na naabutan ang lola ko nun. Malamang gusto niya akong makasama noon, kasi nga cute ako at guwapong-gwapo. Pero siguro kahit ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya ngayon eh baka tawanan na lang niya ako.

Lamay ni Lola nun. Gabi. Normal sa mga bata ang matulog ng maaga, at normal din sa probinsya na matulog ang lahat ng magkakamag-anak sa iisang lugar ng bahay. At iyon ang 2nd floor ng bahay.

Luma na ang bahay. Ancestral house. Malalaki ang bintana nito at yung sliding wooden door pa ang gamit. Kung tatayo ang isang grown-up na tao sa tapat ng bintana, hanggang bewang niya ang pasamano. Yung tipong malalaglag ka na kapag yumuko ka sa tapat ng bintana dahil hindi din naman ganun kalapad ang pasamano ng bintana. Di naman ganun kataas ang sekan plor ng bahay. Kayang lundagin ng walang matatamong bali at lupa naman ang babagsakan. May kalambutan. Pero para sa isang paslit na tulad ko nung mga panahon na yun, ang pagkalaglag dun ay maaring magdulot ng kamatayan, lalo pa't alanganin ang bagsak. Maaaring mabali ang leeg at pati na din ang pagkabasag ng ulo.

Karamihan sa tao sa sekan plor ay tulog na at magkakatabi.

Walang anu-ano daw eh bigla akong bumangon. Naglakad ng dahan-dahan papunta sa bukas na bintana. Ewan ko kung bakit bukas yun nung mga panahon na yun kahit uso ang aswang. Isang lipad lang ng manananggal sa ganun kalaking bintana, limas lahat ng lamang-loob namen eh. At wala ding railings dahil wala namang ibang nakatira dun kundi ang tita ko lang.

Mabuti na lang daw eh nahawakan ako ng ninong/tito ko nung malapit na akong makasampa sa bintana. Nahagip lang daw yung paa ko pero nakaangat na ako sa pasamano ng bintana. Umiiyak daw ako na parang tumatawa pero tulog. Sleepwalking kumbaga.

Wala naman akong malinaw na eksplanasyon sa nangyare pero marahil eh muntik ko na nga itong ikamatay. Sorry naman kung hindi natuloy. Kung may reklamo kayo't hindi natuloy, pakisabi na lang kay lola.

Matapos ng nangyare, bilang bahagi ng pamahiin, itinawid ako sa ibabaw ng kabaong ng pinaglalamayan kong lola ng walang sumasayad na parte ng katawan ko o kahit damit. Para daw makawala ako sa kagustuhan niya ng "pagsundo" sa akin.

Some summer in Antipolo...

Eto simple lang. Antipolo, matarik ang daan, isang traysikel.

Paakyat sa matarik na traysikel ang daan... wait, teka ulit.

Paakyat sa matarik na daan ang traysikel na may lulan na tatlong babae, isa lang ang payat, tatlong lalake, isa lang ang gwapo (ako ba yon ha? ha? sige na nga).

Pinuwersa ni mamang drayber ang traysikel niya sa kambyong hindi primera. Natural hindi kakayanin ng makina ang bigat namin sa matarik na daan at mahinang kambyo.

Umatras si traysikel. Mabagal pa nung una. Tapos bumilis. Wala pa sa isip ko na pwede kameng mamatay. Si isang lalake, tumalon sa traysikel. Di man lang kame inisip. Pero at least kung titilapon kame may pupulot sa mga katawan namen.

Iniliko ni mamang drayber ang manibela. Pumusisyon yung traysikel sa isang anggulo na pwede itong tumilapon, gumulong-gulong, at rumagasa ng tuloy-tuloy sa matarik na kalsada. Mabuti na lang naisalba din siguro kame ng sarili nameng bigat at lalagyan lang ng kanin ang tumapon.

Nung mga oras na yun eh naisip ko kung ako ang tumapon at hindi yung bigas. Malayo pa man din ang pagkakatalsik nung tupperware na yun. Sino ba naman kase ang nakakaalam kung paano ka babagsak, kung una ba ang paa mo o ang leeg mo ang tutukod sa sahig. Kahit gaano pa kababa ang talsik mo kung panahon na para mahimlay ka ng tuluyan, wala kang magagawa.

Marami pa akong NDE na hindi ko maikakategorize na NDE nga ba o hindi. Madami din kasing beses na nakita ko nang nag-flash ang buong buhay ko sa harap ng mga mata ko. Nangyare ata nun nung nakaangkas ako sa kaibigan kong babae. Paakyat kame ng flyover at hindi siya nagmenor tapos may jeep sa unahan. Napakabilis ng paglapit namin sa jeep. Sumisigaw na ako ng AAAAAH, samantalang hagikhik pa ang naririnig ko sa babaeng drayber na kaibigan ko. Hindi ko alam kung buhay ko nga ba yung nagflash sa harap ko o yung stainless lang na body ng jeep.

Ipinagpapasalamat ko na lang sa langit at sa Diyos ang lahat ng mga pagkakataon na sana na-deads ako pero hindi natuloy.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Langhap Sarap
by M

O kay saya ng bawat linggo
Noong panahon ng kabataan ko
Dito'y laging bumibisita
Matapos magsimba ng pamilya

"Langhap Sarap" ang titulo
Maligayang bubuyog naman ang mascot nito
Kapag ngiti mo'y nasisilayan
Kaligayahan ang aking nakakamtan

Langhap Sarap, o kay ligaya
Pinapangarap kong kumain dito sa tuwina
Kaibigan kong bubuyog sana ay ikaw na
ang maging kusinero namin hangga't ako'y humihinga

Ang Yumburger mo na nakakapagpasigla
Kapag ako'y may sakit, ito ang meryenda
Sa tuwing may okasyon, Jolly Spaghetti ang karamay
Walang sawang kakainin, sa bawat araw ng aking buhay

Jolly Fries ang pinagsasaluhan
Kapag magkakasama ang magkakaibigan
Kasama ang kwentuhang walang humpay
At kasiyahang puno ng kulay

Ang masayahing hotdog nila
Malinamnam at malasa
At palagay ko'y kukulangin
Ang Champ ninyo para sa akin

Naiinitan ka ba kamo?
Aba'y Frost Blends ang para sayo
Matamis ba ang hanap ng dila mo?
Peach mango pie ang kainin mo

Halina at sumama sa ligaya
Ng pamilya ni Charlene at Aga
Sa pag-indak ni Kim at Gerald
At sa pagkanta ni Sarah at Mark

Nawa'y ako'y makabalik
Noon sa kabataan ko
At maranasan kong muli
Ang Jollibee, linggo-linggo

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Hereditary

Nasa dugo yata ang pagkapintasero ko.

Nanonood ako ng Wowowee. Hindi, mali. Napatingin ako sa telebisyon nung Wowowee ang palabas at nakita ko si RR. Si RR na hindi ko alam ang apelyido o kung mabuti ba siyang kapatid sa mga kapitbahay niya.

Ako: "Si RR po ba yan? Bat parang ampangit yata niya ngayon."
Aling Maring: "Eh pangit naman talaga yan dati pa eh."

Okay po, magulang kayo at ginagalang ang mga opinyon nyo. Salamat po.

*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*


Matagal din pala akong nabakante dito, sorry naman, busy lang.

Oo nga pala, maraming-maraming salamat kay Boss Badoodles ng KwentongBarbero sa pagpili sa akin bilang Humor Blogger for the month of December! Maraming salamat po bossing! Hindi ko kayo bibiguin at papanindigan kong mgalaing galata aq s spiling!

Sige, hanggang sa susunod! Mahal ko kayong lahat!

Elongate...